Ang Pagbabalik
Doreena's Point of View
"Girls?!" Napalingon kaming lahat sa nag salita. Wala ni isa saamin ang umimik. Nagulantang nanaman ang pagkatao naming lahat.
"Jay..." Sabi ni Ricca at tumayo para salubungin sila. Tahimik kaming pinagmamasdan sila.
"Long time no see!" Sabi pa ni Jay. Wala siyang ibang kasama sa ngayon pero who knows?
"Oo nga eh. Sinong kasama mo?" Direktang tanong ni Krys. Tinignan ko si Anne para ma-confirm kung wala bang sinabi sakanya si Alex na may lakad ito pero binigyan niya lang ako ng tingin na nag sasabing wala siyang alam sa nangyayari sa mundo.
"Uhh... Ano. Sila..." Halos pabulong na sabi ni Jay. Nagkatinginan nanaman kami pero kumain nalang ako at sinawalang bahala ang mga nangyayari.
"We get it Jay. Hindi mo na kailangan ituloy at kung magpapaliwanag ka, wag na. Hindi naman natin masasabi kung kailan tayo mag kikita kita eh pero okay na din. Civil lang." Sabi ni Kate. Umirap naman ako sa sinabi niya. Hindi ko magagawang civil ang lahat lalo na kung nandito parin yung nararamdaman ko kay Karl.
"Dito rin sana namin balak maglunch. Pero kung hindi naman okay...---" Hindi na siya pinatapos ni Anne.
"Okay lang Jay. Okay na okay. Wala na kaming pakielam sainyo just so you know. I mean, not in a bad way. It's just... we don't mind." Sabi niya pero hindi siya nakatingin kay Jay. Nakatingin siya sa pagkain. Ang bilis ng tibok ng puso ko pero hindi ko pinapahalata.
"Par ano? Hindi mo na kami binalika...--- Anne..." Si Mark ang unang pumasok. Siya lang. Walang kasunod.
"Mark..." Sagot naman ni Anne at nakipag eye contact pa. Tinignan ko si Mark na ngayon ay punong puno ng emosyon ang mga mata. Nakikita ko ang pagmamahal at pag asa sa mga iyon pero nang tignan ko si Anne ay wala siyang pinapakitang emosyon sa mga mata niya. Isang malalamig na tingin lang ang binigay niya kay Mark pero kung kilala mo siya, alam mo sa sarili mo... Nag huhuramentado ang puso niya dahil nakita niya ito.
"Hi Mark." Singit ni Krys with a jolly tone. Halatang pinapawala lang ang tense sa usapan.
"Hi." Ilang minuto pa ang lumipas, dumating na silang lahat.
"Hindi niyo na kami binalikan dun... Woah. Hi Girls." Bati ni Grail. Sa kanilang lahat, si Grail ang dapat walang problema saamin pero the fact na sumasama na siya sakanila, parang naiinis na din ako.
"Wala ba kayong balak mag order?" Iritang tanong ni Kate sakanila.
"Meron. Tara na." Sabi ni Jay at hinila na si Grail kaya sumunod naman silang lahat. Civil, Dors. Civil.
"I can't actually stay in a same place where he is." Anne said. Tumingin ako sakanya.
"Yeah, me too." I seconded the motion. Ngumiwi ako at kumain ulit.
"We should go. Sabi naman ni Krys. Bumuntong hininga ako.
"Why? Pag umalis tayo, malalaman nila na affected tayo and it's so not a good idea." Tumingin ako kay Jaly na nag papanggap na walang pake sa ngayon pero kakaamin niya lang na mahal niya pa rin si Calen.
"It's not easy to move on." I laughed with sarcasm at sabay sabay naman ang buntong hininga nila. Rinig na rinig namin ang tawanan ng mga lalaki kaya mas lalong nakakairita. Nakakairita na masaya sila tapos kami nam-mroblema kung paano iiwas sakanila.
"Fate nga naman oh. Sa dinami dami ng araw, ngayon pa talaga." Sabi ni Ashley. Natawa naman ako sakanya.
"As if naman hindi mo nakikita si Dexter at Joshua araw araw. Duh." Natawa din naman si Ashley sa sinabi niya.

BINABASA MO ANG
Philophobia [COMPLETED]
Teen FictionPhilophobia- Fear of being in love or falling in love.