XXXVIII

357 6 0
                                    

Chapter 38

Nikka's Point Of View

Masaya kami sa mga sumunod na linggo. Sino bang hindi sasaya gayong puro pa-chill lang ang ginagawa namin sa eskwela? Mula nang makita namin si Amanda sa Batangas ay parang hindi na natahimik ang presensya niya sa buhay namin. Wala siya physically sa paligid pero parang nandito rin.

"Nakakamiss din pala si Amanda, ano?" Malungkot na sabi ni Teesha. Hindi ko alam kung alam ba nila kung nasaan si Amanda o mas pinili niyang magtago. Bakit nga ba siya nag tatago? Anong pumipigil sakanya para magpakita?

"Nako! Hindi naman masyado." Singit ni Pine. Hindi ko rin alam kung sadya ba nilang pinaparinig iyon saamin o sadyang trip lang nila o dikaya ay talagang nami-miss na nila si Amanda.

"Insensitive as ever." Sabi ni Alex. Ngumiwi ako dahil doon. Nasa canteen kasi kami. After namin kumain ay umalis na kami kaagad.

Nagpatuloy ang araw nang maayos naman at peaceful. Mabuti naman.

"That's all for today. Good day." Nag paalam na kami sa prof namin. I packed my things at nakita ko na si Dexter na nag hihintay sa labas. Lumabas na kami at nag kita kita na ulit ang buong tropa.

Maaga kami dinismiss ngayon dahil sa hindi ko alam. Pag baba namin ay nabigla kami sa aming nakita na naka tambay sa field kasama ang sila Teesha.

"Ang laki na ng pinagbago mo kaagad Amanda!" Sabi ni Teesha. Napabaling ang paningin niya saamin at nawala ang ngiti niya sa labi. Nag lakad siya sa direksyon namin. Tumingin ako kay Dexter na seryosong nakatingin lang din sakanya.

"Bumalik pa ang bruha." Iritang sabi ni Kate. Malungkot akong nakatitig lang kay Amanda hanggang sa tuluyan na siyang makalapit. Bakit ganito pakiramdam ko?

"Bakit nandito ka? Hindi ba sinabi ko na sayo, huli na ang pagkikita natin doon sa Batangas. Hind ka na dapat bumalik." Sabi ni Dexter. Lahat kami nakatingin kay Amanda.

"I can't. I need you back, Dexter." Namuo ang galit sa katawan ko. Pakiramdam ko ay harap harapan akong sinasaksak ni Amanda.

"Aba't ang lakas din ng loob mo ha." Susugod na sana si Krys pero pinigilan siya ni Ashley.

"Hoy babaita! Wala ka nang babalikan kasi wala nang babalik sayo." Malditang sabi naman ni Doreena. Tumulo ang luha ni Amanda habang seryoso ang tingin kay Dexter.

"No! I need you back Dexter. I need you in my life. I need you. Please come back to me." Hinawakan niya nag dalawang kamay ni Dexter pero hinawi lang ito ni Dexter.

"Aba't talaga namang ang landi mo rin eh no?!" Hindi na napigilan ni Anne na sumugod kay Amanda. Napalayo naman si Amanda na para bang takot na takot siyang masaktan. Where's your confidence now? Nilampasan niya si Anne at dumiretso ulit kay Dexter.

"Dex.. Please." Lumuhod pa siya sa harap ni Dexter. Kaunti nalang at sasabog na ako pero pinipigilan ko.

"Putcha! Anong level ng kadesperadahan yan Amanda? Level 9999?" Inis na tanong ni Ashley na ngayon ay badtrip na din.

"Bakit hindi ka sumasagot?" Lumapit sakanya si Kate pero umatras lang ulit ito. Para siyang takot na takot. Pero bakit?

"Oh ano?! Takot ka ngayon?! Nasan na ang confidence mo?!" Napatingin kaming lahat sa nag salita. It's Claire!

"Hindi ako nag punta rito para makipag away sainyo. Nandito ako para kay Dexter. Wag na kayong makielam!" Sigaw ni Amanda. Lumapit si Jay dito at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

"Amanda, you need to go home." Mahinahong sabi ni Jay sakanya. Umiling si Amanda at hinawi ang mga kamay ni Jay sa balikat niya.

"Amanda! Stop!" Sigaw ni Alex. Hindi nagpatinag si Amanda na naging dahilan ng pagyukom ng kamao ko. She's not stopping and she won't stop unless she got what she want.

Philophobia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon