Doreena's Pov
Kanina pa namin hinahanap si Ate Nikka pero hindi namin siya talaga makita. Hindi rin siya pumasok sa mga natitirang subjects niya. Nag aalala na kami kung anong nangyari sakanya. Nang matapos ang klase ay agad naming pinuntahan si Jay.
"Nasan best friend ko?!" Sigaw ni Oldie kay Jay.
"Tch." Nilagpasan lang kami ni Jay. Sumunod kami sakanya nang hindi niya nalalaman. Nang pumunta siya sa gym ay nag stay lang kami doon sa may gilid kung saan hindi niya kami makikita.
After ilang minuto ay lumabas si Nikka sa may locker room.
"BEK!" Lumapit kami sakanya at niyakap siya.
"Anong ginawa nila sayo?" Tanong ni Jaly. Umiling iling naman si Nikka.
"Nag sorry lang sa perwisyong dala daw nila. As if naman diba? Hayaan niyo nalang. Tara uwi na tayo." Habang naglalakad kami palayo biglang may bumunggo saakin. Pag tingin ko, si Karl. Peste talaga tong lalaking ito kahit kailan.
"Letche." Bulong ko pero sapat lang para marinig niya.
"Ano?" Umirap nalang ako sakanya at nagpatuloy sa paglakad.
"hoy Doreena, pag kinakausap kita wag mo kong tatalikuran." Marahan niyang hinawakan ang braso ko.
"ARAY! MASAKIT!" Singhal ko sakanya. Napatigil silang lahat at tumingin saakin.
"Hindi lang yan aabutin mo sakin pag inulit mo pa yon." Galit na binawi ko ang braso ko sakanya at tinadyakan siya sa most sensitive part niya at kumaripas ng takbo.
"Dalian niyo guys." Sabi ko. Nagmadali naman kami hanggang sa makarating kami sa parking. Nandun na ang kanya kanyang sundo namin.
"Sabay ka na sakin Niks." Offer ni Ricca pero tinanggihan lang ito ni Nikka. Sasakay na sana kami nang biglang nakita namin na papalapit si Claire.
"Uhh..-- Nikka?" Tumaas ang kilay ko dahil sa ang kapal ng mukha niyang magpakita pa saamin. Grabe. Akala mo talaga napaka inosente niya.
"Ano nanamang ginagawa mo dito? Nandito ka ba para i-trap nanaman kami kanila Jay? Pasensya ka na ha? Pero hindi na ulit kami magpapauto sayo." Inis na sabi ni Anne.
"About that. Pasensya na talaga. Tinakot lang nila ako kanina na gawin yun kaya wala akong choice. Pero totoo talagang bago lang ako dito. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila sa mga students kaya natakot ako. Pasensya na Nikka." Sabi ni Claire. Sus if I know.
"Oh tapos? Tapos ka na ba? Sige pwede ka nang umalis." Sabi ko naman. Hinawakan ako ni Nikka.
"Okay lang. Sige umuwi ka na. Uuwi na din kami. Chaka, wala naman silang ginawang masama saakin kaya okay lang." Ngumiti si Ate Nikka. Hindi na namin pinansin si Claire at pumasok na ng kotse. Bahala siya dyan. Naiirita parin ako sakanya.
BINABASA MO ANG
Philophobia [COMPLETED]
Teen FictionPhilophobia- Fear of being in love or falling in love.