Chapter 33
We Belong Together
Anne's Point Of View
Nasa likod ako ng school ngayon to feel relieved. Kung nasa maraming tao kasi ako ay hindi ako makakapag concentrate. I stayed focus on things na kailangan kong tapusin para wala na akong gawin sa bahay. Kahit naman alam kong afford namin ang tuition ay hindi na ibig sabihin non na kailangan ko nang pabayaan ang grades ko. Nahawa na din ako sa pagiging grade conscious nila Nikka.
"Jusko! Nasaan na ba yun?" Tanong ko sa sarili ko nang hinahanap ko ang mga pang designs ko sa bag ko. Kailangan ko yun para sa project ko. Bakit hindi ko mahanap? Ang alam ko, dito ko lang nilagay iyon eh.
"Okay, wag hanapin ang mga bagay na ayaw naman magpakita. Parang siya! Ilang araw ko nang hindi nakikita! Kaya dapat hindi hinahanap!" Inis na sambit ko sa sarili ko. Argh! Bakit ko nga ba siya iniisip?
"Bakit mo pa hahanapin kung nasa tabi mo lang din naman?" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa nagsalita. Biglang sumulpot sa tabi ko si Mark. Tinignan ko siya. Nakahiga lang siya sa damuhan. Sinusuportahan ng mga kamay niya ang kanyang ulo. Nakapikit siya. How come na hindi ko siya napansin?
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya. Binaling ko nalang ang pansin ko sa notebook na nasa harapan ko ngayon pero nakakalimang basa na ako, hindi ko parin maintindihan.
"Hinahanap ka." Muli akong napatingin sakanya. Nakatingin na siya saakin this time. Umiwas nalang ako ulit. Hindi ko kayang makipag titigan sakanya.
"Bakit mo ako hinahanap? May kailangan ka sakin?" I tried to sound cool but really, I can't.
"Wala, pag hinanap kita ibig sabihin may kailangan ako sayo? Gusto lang kitang makita." Oh please Mark, don't be so complicated now.
"Bakit gusto mo akong makita?" I may sound like I'm not affected pero ang totoo ay gusto ko nang magwala at mag tata-talon dito. All these time. I'm still into him. Hindi parin ako nakaka-move on.
"Bakit naman dati hindi ka nag tatanong ng ganyan pag gusto kitang makita?" Natigilan ako sa tanong na iyon pero binaling ko nalang ulit ang paningin ko sa notebook ko.
"Iba na yun ngayon." Jusko Anne! Mahihiya ang yelo sa sobrang cold mo eh.
"Anong pinag kaiba nun, Anne?" Hindi ako makapag salita. Hindi ko masagot ang tanong niya. Ano nga ba ang kaibahan non Anne? Kasi dati mahal niya pa ako, ngayon hindi na. Geez! He's not the one who's complicated. YOU ARE!
"Mark! There you are! I've been looking for you all day, nandito ka lang pala." Bumagsak ang mga balikat ko nang marinig ko ang boses ng babaeng lagi niyang kasama pag nag b-bonding ang dalawang grupo.
I don't know her name. Something like Raquel. Oo, yun nga siguro.
"Bakit mo ako hinahanap? May kailangan ka sakin?" Hindi ako tumingin sakanila pero ramdam ko ang tagos tagusan na tingin saakin.

BINABASA MO ANG
Philophobia [COMPLETED]
Ficção AdolescentePhilophobia- Fear of being in love or falling in love.