Krys' Pov
"Anne?" Mark and Alex
"Krys?" Xander
"Jaly?" Calen
"Doreena?" Josh and Karl
"Ricca?" Jay
"Nikka?" Mikhail
"KATE?! How?" Lahat
"Grail.." Jay.
"Teka.. Bakit kayo nandito?" Iritang tanong ni Nikka.
"Bakit kami nandito? Ha! Bakit KAYO nandito?" Tanong naman ni Mikhail.
"Mark? Care to explain why you're with them?" Medyo may inis sa tono ng boses ni Anne. Kahit ako ay naiinis na nandito si Xander kasama sila. Paano ba naman kasi? Niyaya ko siya na sumama pero tumanggi siya tapos ngayon nandito siya kasama ang tropa niya noon? So ibig sabihin mas pinipili nila sila kaysa saakin?
"Anyway. Let's go. Hayaan na natin sila." Sabi ni Nikka. Mag lalakad na sana kami ulit pero biglang nagsalita si Jay.
"Grail. Parang ang panget naman tignan na nandyan ka sa grupo ng mga babae? Why not join us? Sige na. Minsan lang mangyari to eh." Humarap si Nikka kay Jay nang naiinis.
"Alam mo ikaw Jay? Akala ko pa naman magiging maganda na yung vacation ko kasi wala ka pero for some reason nandito ka at sinisira ang bakasyon naming lahat. Kaya pwede ba? Get lost!" Ngumisi naman si Jay at tinignan si Nikka mula ulo hanggang paa.
"Hindi purkit nagkaron ka na ng confidence na magsuot ng ganyang swimwear ay ibig sabihin sexy ka na. Nagkaron ka lang ng confidence hindi Curve." Pang aasar ni Jay. Maaaninag mo parin kasi ang suot namin kahit gabi na kasi may mga ilaw parin naman dito.
"SHUT UP JAY!" Sigaw ni Anne.
"Oh ikaw din Anne? Ano bayan. Para kayong mga lollipop na nag lalakad." Sabi pa ni Jay.
"Watch that Jay. Girlfriend ko yang inaano mo." Sabi ni Mark.
"Stop. Tama na. Sige sasama ako sainyo." Sabi ni Grail kaya napatingjn kami sakanya.
"Grail?" Tanong ko.
"Sige na. Okay na yun." Sabi ni Grail.
"Okay naman pala eh. Oh tara!" Umalis na sila Jay kasama si Grail.
"May nag sabi ba sainyo na nandito tayo?" Tanong ni Nikka. Umiling iling naman sila.
"Sa tingin ko. Si Alex ang dahilan nun. Hindi naman impossible na gawin niya yun eh chaka hindi rin naman impossibleng malaman niya na nandito tayo. Hay nako. Nawala tuloy ako sa mood." Sabi ni Anne.
BINABASA MO ANG
Philophobia [COMPLETED]
Teen FictionPhilophobia- Fear of being in love or falling in love.