Nikka's Pov
"GOOD MORNING PALAWAN!!!!!!" Sigaw ni Doreena kaya naman nagising kami kaagad. Pagkaland na pagkaland ng private plane sa Palawan, ay nagpahatid na kaagad kami sa hotel at nakatulog na kaagad kami.
Ilang araw kaming hindi nagkita ng tropa, dahil sabi nila baka daw hindi matuloy kung magkikita kita kami. Parang kasal lang eh no? Mga tropa ko talaga. Hindi ko expected na kasama pala si Grail. At Dahil only girl siya chos. Doon siya sa sofa natulog.
"Dali na guys! Ang tagal niyo naman! Kilos na us!" Excited na sabi ni Jaly. Napailing iling nalang ako. Napaka hyper ng mga kaibigan ko.
"Sandali lang diba? Wait lang! Kakagising lang." Napansin ko namang tulog pa si Grail kaya tumayo na ako para gisingin siya.
"Oy Grail. Tara na. Excited na mga kasama natin." Nagising naman ito kaagad. Mababaw lang kasi siya matulog at talagang konting kibot ay magigising. Bukod nalang kung sobrang pagod na niya.
"Hmm? Ay.. Good morning Niks." Hindi ko siya pinansin sa Good morning niya at nag bihis nalang din. Si Jaly ang pumili ng isu-suot ko ngayon.
"Jal! Kailangan ko ba talagang isuot to ngayon?" Nakita ko kasi kung gaano ka-sexy sila Ricca sa mga suot nila. Tapos ako? Wala talaga akong self confidence.
"Oo Baks! Bilisan mo na!"
BINABASA MO ANG
Philophobia [COMPLETED]
Teen FictionPhilophobia- Fear of being in love or falling in love.