VI

634 19 7
                                        

Grail's Pov


Nakatingin ako sakanila ngayon. Pinapanood ang eksena ng FP at nila Nikka. Wala nanamang magawa sila Jay sa buhay nila. Sila Nikka nanaman ang pinag t-tripan. Nakalagpas na ito at naiwan sila Nikka na tinutulungan si Krys makatayo. Dumiretso ako ng lakad.


"Grail!" Narinig kong pagtawag ni Anne saakin. Lumingon ako sakahya at ngumiti.


"Bakit?" Nakangiti kong tanong sakanya. Kahit papano kasi ay naging mabuti saakin si Anne kahit na nung panahon na umalis ako ng Tropa.


"San punta mo?" Umiling iling naman ako.


"May kakausapin lang ako. Sige na Anne. Una na ko." Tumango naman ito. Nilagpasan ko na siya. Sinundan ko sila Jay at nang makarating ito sa hideout nila ay sinunggaban ko ito ng suntok.


"Gago ka Jay! Kahit wala ako sa tabi nila Nikka, alam ko mga pinag gagawa mo sakanila. Tumigil ka na kung mahal mo pa buhay mo!" Kinwelyuhan ko siya. Susugod sana sila Karl nang pigilan ito ni Jay.


"Ah.. So Ikaw ngayon ang knight in shining armor nila na nagtatago sa isang tabi at hindi kayang panindigan ang ginagawa? Sabihin mo nga sakin Grail. Alam ba nila Nikka tong ginagawa mo ngayon sakin?" Matapang na tanong niya. Napaluwag naman ako ng hawak sa kwelyo niya nang marealize ko ang sinabi nito.


"Yun ang alam kong tama para hindi na sila madamay. Yun ang alam kong kondisyon mo Jay. Na pag umalis ako sa tabi nila, titigilan mo na sila. BAKIT HINDI MO TINUTUPAD YUNG USAPAN?!" muli nanaman humigpit ang pagkakakwelyo ko sakanya.


"Hoy tama na yan Grail!" Hinawi ni Mikhail ang braso ko pero hindi ko lang ito pinansin.


"Isa ka pa Mikhail. Sabi mo sakin aalagaan mo si Nikka. Sabi mo p-protektahan mo siya sa kamay nitong mga tropa mo. Bakit hindi mo rin ginagawa? Puro kayo salita! Kulang kayo sa gawa!" Galit na galit talaga ako sakanila. Hindi lang dahil sa ginawa nila saakin kundi na rin sa ginagawa nila ngayon sa tropa.


"Hindi naman talaga dapat nadadamay sila Nikka kung lumalayo lang sila kanila Anne. Hindi kasi ma-direct sa dalawa eh." Sabi pa ni Calen. Lumipat sakanya ang tingin ko.


"Tigilan niyo na sila. Wala silang kasalanan kung umalis si Mark at Xander sa FP. Hindi nila ito pinilit. Nag kusang loob sila. Kaya tumigil na kayo. Mikhail! Akala ko ba mahal mo si Nikka? Bakit mo hinahayaan tong tropa mong gawin ito? Ikaw Calen, diba gusto mo si Jaly? Bakit ka pumapayag sa ganito? Mga duwag kayo! Hindi niyo mapanagutan yung pagmamahal niyo sakanila." Inis na tugon ko.


"At anong tawag sayo Grail? Matapang? Matapang ba ang maitatawag sa isang tao palihim na pino-protektahan ang mga kaibigan niya? Bakit hindi mo panagutan ang ginagawa mo ngayon Grail? Kung tutuusin kahit hindi ka umalis sa tropa niyo, kaya mo naman silang protektahan katulad nang ginagawa mo ngayon eh. Pero bakit umalis ka parin? Hindi kami ang duwag dito Grail. Ikaw! Ikaw ang duwag." Tinanggal niya ang kamay ko sa kwelyo niya at pumasok sa hideout nila.


**


Natapos ang araw nang wala ako sa sarili ko. Mabuti nalang at nasagutan ko ang exams ko. Lumabas ako ng classroom nang mag bell na.

Philophobia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon