Kate's Pov
Nikka and Dexter were close now. Hindi ko alam kung kailan pa pero napapansin namin na palagi nalang nakapaligid si Dexter kay Nikka. Hindi naman kami mapanghusga kaya hinayaan nalang namin si Dexter at si Nikka. Besides, Nikka knows what she's doing.
"Where's Nikka?" Tanong ni Ricca saakin. Luminga linga ako sa paligid. Nandito kami sa mall, date kasi namin. Napansin ko na ngayon lang kami nag date mula nang makumpleto kami.
"I don't know." Sagot ko naman. Hinintay pa namin siya nang ilang minuto nang dumating siya kasama si Dexter.
"Sorry I'm late guys! Hinintay ko pa kasi siya eh." Tinaasan ko siya ng kilay.
"And what are you doing here?" Mataray na tanong ni Doreena. Kinamot ni Dexter ang batok niya.
"May usapan din kasi kami ng FP kaya.. sinabay ko na si Nikka." Awkward pa siyang ngumiti.
"OH MY GOSH! FEARLESS STARS!!! KYAAAHH~~~" Nag simula nang dumami ang tao sa paligid namin. Puro nag papa-picture at autographs.
"Dexter? Anong..--" Hindi na natuloy ni Mikhail ang sasabihin niya nang lumipat naman sakanila ang ibang fans. We forgot na hindi na pala kami mga normal na tao na pwedeng pakalat kalat lang. Mapapadalas ang ganitong eksena kung gagawin namin iyon.
Naubos ang mga tao kaya naman malaya na kaming makapag lakad lakad.
"So ano pang ginagawa niyo dito?" Mataray nanamang tanong ni Doreena nang mapansin ang pag sunod ng FP saamin.
"Oh my gosh! Sila ang Fearless Stars hindi ba? Yung nanalo sa International Acapella? Friendship goals talaga sila!" Narinig naming usap usapan ng mga tao sa paligid.
"Eh diba may apat daw dyan na magkakarelasyon? Sino nga iyon?" Mabilis ang lakad namin para hindi na sana namin marinig ang usapan dahil panigurado, maaapektuhan nanaman nito sila Krys.
"Hello! Pwede bang makipag groupie?" Tanong ng isang batang babae. Tumango naman sila kaya ako din. Nag smile nalang kami. Kailangan masanay na kami sa mga ganito.
**
Ilang oras pa ang ginawa namin sa paglalakad nang mapag desisyunan naming pumunta ng National Book Store para mag tingin ng mga libro. Napansin namin na halos lahat ng laman ng newspaper ay tungkol sa nag daang Acapella Competition. Napailing iling nalang ako. Medias.
"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiirita dahil nanalo tayo sa competition." Komento ni Ashley. Umagree naman ako sa sinabi niya.
"Nakakapanibago ng buhay yung ganito." Sabi naman ni Claire na noon pa man ay hindi na sanay sa atensyon. Mas sanay siya na binabalewala at hindi pinapansin ng mga tao.
"Sobra." Sabi naman ni Nikka. Umiling iling nalang ako. Wala eh, nandito na ito. Ano pang magagawa ng mga reklamo namin hindi ba? Hindi rin naman namin inutos sakanila na ipanalo kami. Sila mismo ang namili. Sila ang nag desisyon.
BINABASA MO ANG
Philophobia [COMPLETED]
Novela JuvenilPhilophobia- Fear of being in love or falling in love.