XXVII

397 16 2
                                    

Chapter 27

What About Me?


Krys' Point of View


Nasa may garden kami, maiba naman ng tambayan. Well, nandun kami hindi para mag emote kung hindi ay para tignan ang mga couples at hulaan kung kailan sila mag b-break. Napapansin ko ang madalas na wala si Nikka sa mga gala namin. Nakakalungkot lang isipin pero naiintindihan ko din naman na may buhay din naman siya.


"Si Nikka?" Napalingon kami sa nag salita. Si Grail pala iyon.


"Nasa..-- Uh.. Asan nga si Nikks?" Tanong ni Kate. Bumaling ako kay Ashley.


"Uh..-- Nasa..-- Hindi ko maalala." Sabi naman ni Ashley. Lumipat ang tingin ko kay Ricca.


"Wala akong alam." Sabi naman niya. Napatingin kaming lahat kay Claire pero tinignan niya lang kami at parang takang taka pa kung bakit namin siya tinitignan. Napailing nalang ako at lumipat kay Anne.


"Ewan ko." Sabi naman ni Anne at nag patuloy sa pag susulat ng assignment para bukas. Lumipat naman ang tingin pa namin sa isa pa, kay Jaly.


"Ako pa tinanong niyo? Eh late na nga akong dumating." Napabuntong hininga kami at tinignan ang huli nalang naming pag asa para masagot ang tanong namin.


"Wala naman siyang sinabi kung saan siya pupunta eh. Nag paalam lang na aalis." Cool na sabi ni Doreena habang naka titig pa sa iPhone niya. Bumalik ang tingin ko kay Grail.


"So ano? Nasagot ba yung tanong mo?" Umiling iling naman siya. Umupo siya sa tabi ko. Sabay sabay kaming nagbuntong hininga at tumingin sa kawalan.


"She's so close yet so far." Sabi ni Grail na ikinatango ko naman. Nagpalinga linga ako ng paningin nang masagip ng mata ko ang dalawang taong masayang nag k-kwentuhan. Napakurap kurap pa ako doon.


"Ayun siya oh." Simpleng sabi ni Ricca at tinuro si Nikka kasama si Dexter. Tatayo na sana ako para lumapit kaso nakita kong lumapit doon si Mikhail, napangisi ako nang maalala ko ang usapan nila sa labas ng classroom.


"Bakit sila mag kasama?" Tanong ni Claire habang nakatingin kanila Nikka at Dexter.


"Katulad mo, wala din kaming alam." Sagot naman ni Anne. 


"Eh bakit nandun si Mikhail?" Tanong ni Kate. Napansin ko ang pagiging tahimik ni Grail.


"Nililigawan kasi ni Mikhail si Nikka." Sabi ko. Napatingin naman silang lahat saakin. Wala naman kasi silang alam dahil hindi nag k-kwento si Nikka sakanila. Kung hindi pa kumulo ang pagiging chismosa sa katawan ko ay baka hanggang ngayon ay wala rin akong alam.


"Sabi ni Dexter saakin, nagkaayos na sila ni Nikka at sabi niya pa ay bubuo sila ng masasayang memorya para matabunan ang mga malulungkot." Sabi naman ni Ashley. Napatingin ulit ako sa best friend ko na kasama ang dalawang lalaki.

Philophobia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon