XXXV

344 6 0
                                        

Chapter 35


Joshua's Point Of View 


Nandito kami ngayon sa bar nila Mikael. Nag iinom kasama si Grail. Masyadong masakit sa puso yung mga nangyari. Hindi ko alam kung paano pa ako makakapag react. Mabilis masyado ang mga pangyayari. It's too surreal.


"Tangina, ang sakit talaga eh." Isang lagukan ang ginawa ni Mikael sa bote niya na bagong bukas lang. Nag bukas pa siya ng isa pa.


"Hindi ko matanggap. Fuck." React naman ni Grail. Napailing nalang ako sa nakikita ko. Hindi ko rin matanggap pero ano nga bang magagawa ko kung siya na talaga ang gusto at mahal ni Doreena, hindi ba? Alam ko, mahirap. Masakit kasi parang lahat ng efforts mo nabalewala pero mas okay na din yung naging totoo siya sa nararamdaman niya.


"Move on na lang mga bro." Sabi ko sakanila at nilagok ang beer tapos humingi pa ng isa pa. Binigyan naman ako kaagad nung bartender. Tumulo ang luha sa mga mata ko, naiinis ako sa sarili ko kasi ganito ako. Hindi ba dapat ay maging masaya ako kasi masaya ang taong mahal ko? Hindi ba? Pero bakit ganito ako?


"Akala ko talaga wala nang pag asa yung hayop na yun kay Nikka. Nagkamali akong hindi ko masyadong binakuran si Nikka sakanya. Fuck." Sabi ni Grail. May lumapit sakanyang isang babae. Tignan mo palang ay halatang bayaran.


"Hi Babe, need someone? Makakalimutan mo din siya. Come with me." Tinignan lang siya ni Grail at hindi pinansin. Nilagok lang ulit ni Grail ang alak. Ginala ng babae ang kamay niya sa katawan ni Grail.


"Putcha! Lumayas ka sa harap ko bago ko mabato sayo tong alak na to. Pumapatol ako sa babae." Inis na sigaw ni Grail. Agad namang umalis ang babae. Sinundan ko ng tingin kung saan siya pupunta at nakita ko ang mga kaibigan niyang tinawanan siya. Mga babae nga naman.


"Chill lang Grail, baka makapatay ka." Sabi ko. Napailing nalang si Grail dahil doon. Si Mikael naman ay hindi na kumikibo basta tuloy tuloy lang ang pag inom niya. Nang maubos niya ang isa ay tumayo siya at sumigaw.


"Tangina, mag saya tayo!" Pumunta siya sa dance floor at nag simulang mag dirty dance kasama ang mga babae. Napahilot ako sa sentido ko dahil doon.


"Hayaan mo siya Joshua. Gusto niyang magsaya at sa ganong paraan niya lang makakalimutan ang sakit. Ako hindi ko alam kung paano ako makakalimot. Masyadong masakit." Hindi namin tropa si Grail pero dahil kailangan niya kami ngayon ay nandito kami para sakanya.


"Ganun talaga sa buhay, minsan kailangan mo ding masaktan para matuto ka. Magpasalamat nalang tayo dahil nahanap na ng mga mahal natin ang tunay na pag ibig. Mas okay naman kung ganon, hindi ba? Kaysa nasa atin nga sila pero hindi naman sila masaya." Hindi ko alam kung paano ko pa nasasabi ito sakanya gayong taliwas naman sa sinasabi ko ang nararamdaman ko.


"Masakit tanggapin, Joshua. Pag sobra mong mahal ang isang tao napakasakit. Hindi mo na alam kung saan ka ba lulugar kasi may ibang tao nang nagpapasaya sakanya." Muling ininom ni Grail ang natitirang laman ng alak at humingi pa ng isa pa. Hindi ko na alam kung nakakailan na ba kami dahil sa sakit na nararamdaman.


Muli akong lumingon kay Mikael at nakita kong pinagpapaligsahan na siya ng mga babae kaya naman tumayo ako para hilahin siya pabalik sa pwesto namin.

Philophobia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon