XXIV

389 15 1
                                    

Nikka's Point Of View


Hindi ko kinakaya ang eksena. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Hindi ko inaasahan ang pag dating ni Amanda para manggulo. Ang daming nakakita. Ang daming nakaalam.


"Totoo ba?" Tanong ni Krys kay Xander.


"Krys mataga..--" Hindi natapos ni Jay ang sasabihin niya nang sumigaw ulit si Krys.


"Hindi ikaw ang kausap ko Jay! TOTOO BA XANDER?!" Tumingin si Xander kay Krys. Hindi nag sasalita si Anne.


"Totoo." Naagaw ni Mark ang atensyon ng lahat pati ni Anne. Umiyak na si Anne.


"Totoo ngang pinlano namin ang lahat ng iyon. Totoo lahat." Si Mikhail naman ang nagsalita. Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Muntik pa akong mabagsak pero inalalayan ako ni Grail.


"Pero matagal na yon." Sabi naman ni Alex.


"Alex?! You're part of it?" Si Tita Angela ang nag tanong. Tumango naman si Alex at yumuko.


"Hindi namin inaasahan na mahuhulog ka..--" Hindi na ulit natapos ni Xander ang sasabihin niya nang magsalita nanaman si Krys.


"Stop with all your bullshits, Xander." Mahinahong sabi ni Krys.


"Leave." Sabi naman ni Anne.


"My Queen.. Please let me explain." Sabi ni Mark at akmang lalapit pa sana kay Anne pero humarang na si Tita Angela.


"Boys. Please, leave for a while. The party is over. Let my daughter and her friends rest here for a while." Kanya kanyang parents ang pumunta sa kani-kanilang anak. Bumalik na si Dexter pero nakita niya kung anong nangyayari kaya napauwi na din siya. Nagulat ako nang hindi umalis si Jay.


"I don't need you all to accept my explanation but please hear me out. Oo, aaminin ko. Pinlano namin yon. Kasi masama ang loob namin sainyo dahil most of you guys got in the dean's list. Naisip namin na.. Bakit parang ang daya? Bakit kami na ginagawa naman lahat para sa studies eh pumapalpak parin pero kayo na pa-gimik gimik lang eh nakakapasa? We were too insecure kaya naisip namin na ang pag ibig ang tangi naming laban para mawala kayo sa concentration. Pero nahulog si Mark sayo, Anne. Kaya pinili niyang umalis ng tropa. Nadagdagan ang galit namin sainyo lalo na kay Anne. Ilang buwan makalipas eh umamin si Xander na nahulog na din siya kay Krys. Umalis din siya at mas lalo naman kaming nagalit pa. Sinubukan namin si Doreena at Jaly pati na si Nikka pero si Nikka lang ang kumagat. Mabuti nalang at may benefit din si Dexter doon dahil babalik sakanya si Amanda. Pero matagal na iyon. Sa loob ng ilang buwan na nakasama namin kayo. Ang saya. Ang saya pala talaga. Nag sisi kami sa lahat ng ginawa namin. Akala namin hindi na mauungkat iyon pero naungkat parin. Ngayon ako ang unang hihingi ng tawad sainyo. Anne, Krys. Nikka. Pasensya na. Pero sana naman Anne at Krys. Bigyan niyo ng pagkakataon sila Xander at Mark. Ayun lang. Salamat dahil pinakinggan niyo ako." Umalis na din si Jay. Nagkatinginan kaming lahat. Pumasok muna kami sa loob at umakyat sa kwarto ni Anne.


"H...Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam. Natatakot na ako magmahal ulit." Sabi ni Krys. Kanina pa namin siya pinapakalma dahil hindi na normal ang breathing niya. Kinuha ni Tita Marian ang kanyang inhaler.

Philophobia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon