Nikka's Point Of View
At dahil chill week namin ngayon, napag desisyunan ng tropa na mag outing muna sa Batangas para makapag relax. Okay lang sa lahat dahil iyon yata ang unang lakad ng tropa na magkakasundo na kami. People are keeping their eyes on us na para bang isa kaming artista na dapat bantayan.
"If looks can melt, I'm sure sinisipsip na tayo ngayon." Sabi ni Doreena. Tumawa naman ako dahil doon. She's too conscious pag may nakatingin sakanya ng sobrang tagal. Magkahawak ang kamay ni Doreena at Karl. Si Mark at Anne, Krys at Xander, Jaly at Calen ay pareho din. Nilagay ni Dexter ang kamay niya sa baywang ko kaya ngumiti ako sakanya.
"Putcha! Walang forever!" Sigaw ni Jay. Sinamaan ko siya ng tingin. Bakla yata talaga tong bwisit na to eh!
"Gayshit." Bulong ni Alex na ikinatawa ng lahat. May isang babaeng naglakas loob na lumapit saamin.
"Kayo po ba yung Fearless Stars na nanalo sa international competition ng Acapella?" Tanong ng babae. Nagkatinginan kaming lahat. We all thought it doesn't matter to anyone, anymore. I mean, yes it matters pero hindi ko alam na ganito parin pala.
"Kami nga." Nakangiting sambit ni Anne. Kahit naman kailan ay si Anne ang magaling makipag interact sa ibang tao. Mahiyain kasi kami, sila lang ni Doreena ang hindi pero it happens to be na si Doreena ay sinusungitan lahat.
"OMG! Okay breathe. Kreisha. Breathe. I'M THE BIGGEST FAN! OMG! PWEDE MAGPAPICTURE?!" I awkwardly looked at the group. Nakakaloka ang naging reaction ng isang ito. Hindi ako makapaniwala. Pumayag kami at nag group selfie kami sakanya. Hindi pa siya nakuntento at nag selfie pa siya kanila Joshua.
"Kids." Sambit ni Jay. Napangiti ako nang makaalis iyong babae. People start talking to us and interviewing us some things. Hindi naman maiiwasan ang interview tungkol sa mga relasyon kaya nailabas nila ang mga nabuong relasyon.
Marahang nag walk out si Jay sa kalagitnaan ng crowd. Sumimangot ako and I excused myself para masundan siya.
"Jay! Hoy! Napakabastos mo! Tanggapin mo na nga. Our lives isn't the same anymore! Those are fans! Hindi mo dapat sila tinatalikuran tulad ng ginagawa mo sa mga taong nakapaligid sayo! Kaya hindi ka nag kaka-girlfriend eh!" Irita ang mukha ni Jay nang nilinhon niya ako. Hindi siya nagsalita, nanatili ang tingin niya saakin.
"Ano ba?! Nikka alam ko okay? Alam na alam ko na iyon at tanggap ko na din iyon! Ayoko lang panindigan. Hindi ako lumaban ng acapella na iyon para sa fame! Gusto ko ng patunay sa sarili ko na kaya ko! Hindi lang para dyan!" Sigaw niya. Pulang pula na ang mukha niya ngayon. Naguguluhan akong tumingin sakanya. Hindi ganito ang Jay na kilala ko. Ang Jay na kilala ko ay gustong gusto ang spotlight.
"Hoy nag aaway nanaman kayo!" Saway ni Kate nang masundan kami. Nanatili ang tingin ko kay Jay. Hindi siya kumikibo at nakatingin lang siya sa ibaba. Somehow, kinabahan ako. May mabuting espirito bang sumapi kay Jay kaya siya ganito ngayon?
"Hindi tayo dapat lumalabas masyado sa mga public na lugar. Alam niyo naman na iba na ang buhay natin ngayon, hindi na masyadong tahimik. Hindi na ito katulad ng dati at kahit kailan ay hindi na ito babalik pa sa dati." Tumalikod si Jay saamin. Pinanood ko lang ang pag alis niya. Ang iba ay sinundan siya. Naramdaman ko ang pag hawak saakin ni Dexter.
![](https://img.wattpad.com/cover/72020860-288-k688397.jpg)
BINABASA MO ANG
Philophobia [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsPhilophobia- Fear of being in love or falling in love.