XL

297 8 3
                                    

Jaly's Point of View


Magkakasama kaming pito ngayon sa isang mall. Masayang masaya dahil graduate na at maybe last bonding na rin dahil magiging busy na sa mga trabaho. Hindi man last, siguro matatagalan ang sunod.


"Nami-miss ko na si Nikka." Walang ganang sabi ni Krys. Ang lungkot tuloy ng gala namin ngayon. Parang nung umalis lang sila Kate at Ashley.


"Kailangan niya ng space para sa sarili niya." Sabi ni Ashley na ginawa na rin ito dati kaya siguro nasasabi niya iyan ngayon dahil ganyan din siya noon.


"We all need spaces." Sabi ni Doreena. Natanaw ko sa hindi kalayuan si Calen kaya nag simula na akong mag panic.


"Guys nandito sila. Guys bilisan niyo!" Sabi ko sakanila. Lumingon naman sila sa direksyon na tinitignan ko at nakita rin nila ang sinasabi ko. Nag simula namang mag madali ang lahat at nag bill out na kami.


After naming ibigay ang bayad ay nag madali na kaming lumabas ng Restaurant na pinag kainan namin at iniwasan ang way ng mga lalaki.


"Enna!" Sigaw ng pakiramdam ko ay si Alex. Siya lang naman ang tumatawag kay Anne ng ganun. Humarap si Anne na nasa unahan namin kaya ngayon ay nakikita namin siya dahil nakaharap siya saamin. Hindi kami humaharap kay Alex.


"Xela! Wow hindi mo sinabi saakin na dito ka din pupunta, edi sana sabay na tayo." Nakita ko ang pag peke ng ngiti ni Anne sa pinsan.  Naramdaman ko na may lumapit na kay Alex.


"Hindi mo rin sinabi saakin na pupunta ka dito." Nag aalangan si Anne na ngumiti at tumingin siya sa gilid.


"Ah sige Xela alis na kami ha?" Tatalikod na sana si Anne kaso may tumawag nanaman sakanya.


"Sandali lang Anne!" Si Mark... Napakagat ako sa labi ko nang may maramdaman akong humawak sa balikat ko. Not now please.


"Jaly... Mag usap tayo." Humarap ako sakanya at ngumiti kahit na gusto ko nang maiyak sa scene ngayon. Aaminin ko, nawalan ako ng lakas ng loob nung nalaman kong nabuntis ni Dexter si Amanda, pakiramdam ko kasi parang pare-pareho lang silang mag t-tropa. Pare-pareho lang nila kaming niloloko kaya rin umiiwas kami.


Pero hindi namin magawang makipag hiwalay. Tipong bigla nalang nangyari na umiiwas kami.


"Tungkol saan Calen?" Tanong ko sakanila. Nakita kong nagkaroon ng pagkakataon ang iba na makalapit sa mga babae. Oh anyare na mga bes? Nga nga tayo di'ba?





Napag desisyunan na bukod bukod ang pag uusap namin. Nakakainis nga dahil um-agree sila sa kalokohang ito. Ayoko na eh. Ayoko na masaktan at the same time, ayoko na makasakit.


"Jaly, hindi ko alam kung anong nangyari. Bakit bigla nalang kayong nawala? Na parang bula?" May bahid na pait sa boses niya. Ramdam ko iyon. Nalulungkot ako para sakanya... Para saamin.

Philophobia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon