Anne's Pov
Hawak hawak ang kamay namin habang nag papatense si ate Eiya sa pag announce ng winner.
"FIGHTING STARS!" Napatakip ako sa bibig ko. Seriously?
"Sabi sainyo Fighting Stars mananalo..-- OMYGOSH FIGHTING STARS NANALO!!!! WE WON!!!" sigaw ni Krys. We hugged each other tight. Nabigla ako nang may humila kay Krys. Si Xander pala. Nagkayakapan at congrats na ang dalawang grupo.
"Before anything else, may gusto ba kayong pasalamatan Fighting Stars?" Binigay ni Ate Eiya ang mic kay Nikka pero binigay niya ito sakin.
"Ako? Kung mag t-thank you man ako. Sa mga nag cheer saamin lang tas sa judges chaka sa Dean na mismong pumili saamin sa competition na ito. And Syempre sa members ng FS. Without them, everything isn't possible." Yun lang tapos binalik ko na ang mic kay ate Eiya.
"Eh kayo Fearless Princes. May gusto ba kayong pasalamatan?" Binigay ni ate Eiya ang mic kay Joshua.
"Sa lahat ng sumuporta. Salamat at pasensya nabigo namin kayo. Pero nag enjoy naman." Pinasa ni Joshua ang mic kanila Jay pero ayaw naman nitong mag salita. Inagaw ni Alex ang mic.
"Ako, mag papasalamat ako sa Diyos kasi sinampal niya samin ang katotohanan na hindi sa lahat ng oras, panalo. Nag papasalamat ako sa experience pero syempre tulad nga ng laro, lahat nanalo at natatalo. Kaya thank you parin at least na-experience. Pero may isang taong gusto akong pasalamatan at i-congratulate talaga." Sabi ni Alex. Hindi ako nakikinig sa mga sinasabi niya. I mean..-- Yes nakikinig ako pero I don't mind.
"Sino?" Kinikilig na sigaw ng crowd.
"My Number one supporter. Number one fan. My number one best friend. Siya talaga yung nag pupuyat para mahintay ang pag dating ko araw araw kahit ginagabi na ako. Siya talaga yung nag e-effort na iwanan ako ng baon pag alam niyang hindi ako sa bahay natulog. Siya yung nag e-effort i-save ako sa lahat ng kagaguhan ako. And these past few days hindi niya iyon tinigil kahit siya mismo ay busy sa practice. I thank the number one girl in my heart, my cousin. Anne." Napatingin naman ako sakanya. Nag simula ang bulong bulungan.
"Ano sabi niya? Cousin?" Girl # 1
"Mag pinsan sila ni Anne? Gosh!" Girl # 2
"I know. Lahat kayo nagulat na malamang mag pinsan kami. Tinago ko yun kasi natakot akong aminin but then dahil sa kaduwagan ko. Nasira ang relasyon naming mag pinsan. Lumayo ang loob niya saakin. We're living in the same house but it feels like I live in the other end of the world. I can't reach her and that's because of my selfishness. Now I'm telling everyone in here. That I'm proud to have a cousin like Anne." Lumapit siya saakin at niyakap ako. Hindi ko alam kung bakit pero tumulo ang luha ko. Infront of everyone.
"Awww... Ang sweet naman." React nung mga tropa ko. Pero wala na akong panahon para pansinin pa sila. Namiss ko din ang pinsan ko. Nung nawala siya parang nawalan din ako ng kapatid.
"Never expected this. Nagiging emotional ako sa ganyan eh." Rinig kong sabi ni Ricca. Hindi ko alam pero ang saya ko. Ang saya ko ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/72020860-288-k688397.jpg)
BINABASA MO ANG
Philophobia [COMPLETED]
Teen FictionPhilophobia- Fear of being in love or falling in love.