Ashley's Point Of View
Nakarating kami sa Pilipinas. Puro flash ng camera ang sumalubong saamin. Kung nung pumunta kami ay kami kami lang, ngayon ay may body guards na nag aabang. Sa tingin ko ay pinadala ito ni tito o dika ang daddy nila Anne. Nang kumalat ang balita tungkol sa pagkapanalo namin ay dinudumog na kami.
"Masakit na nga ulo ko dahil sa jetlag, masakit pa ang ulo ko sa flash. Jusko, hanggang kailan ito?" Tanong ni Jaly. Tumawa nalang ako. Lumapit saakin si Dexter para alalayan ako. Alam niya kasi na pag nagkaron ako ng jetlag ay sobrang sakit talaga. Idagdag mo pa ang nakakahilong mga tao dito.
"Ayun ang sasakyan!" Sigaw ni Dean at sumakay na sila ng mga prof. Nakita naman namin sila tito kaya agad kaming sumakay sa sasakyan. Limousine ang dinala ni tito. Agad kaming sumakay doon dahil hinahabol na kami ng media.
"May victory at welcome party sa bahay nila Anne, pupunta muna tayo doon." At dahil malayo pa naman ang byahe ay natulog muna ako sa shoulder ni Dexter. Wala namang malisya dahil pinsan ko naman siya.
**
Nagising ako nang alugin ako ni Joshua. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa ginawa niya at matalim siyang tinignan. Nag peace sign naman siya. Bumaba naman kami ng sasakyan. Napansin kong nakatulog din pala ang ibang girls. Pagod talaga kami sa byahe.
"Sino sino ba ang nandito?" tanong ni Kate. Binuksan ni Alex ang pinto. Walang tao. Baka nasa garden sila. Dumiretso kami sa garden.
"WELCOME BACK!!!!" Sigaw nilang lahat. Nandito ang kaunting mga classmates namin na kaibigan din namin. Nandito din ang mga prof namin. Nandito na sila Dean. Nauna pala sila saamin.
"Nikka!" Tumakbo si Grail papunta kay Nikka at binuhat ito at pinaikot. Nagyakapan ang dalawa. Sumilip ako kay Dexter pero wala man lang siyang reaksyon habang tinitignan ang dalawa. Siguro hindi talaga niya gusto si Nikka.
"Welcome back sainyo!" Sabi ni mama Gea. Nandito din sila tita. At mga magulang nila. Except saakin at kay Alex syempre. Asahan niyo naman parents namin. Wala din ang parents ni Jay, I wonder why? Pati ang parents ni Kate ay missing in action din.
"Nakakamiss ang amoy ng Pilipinas." Sabi ni Anne. Tumango naman kami. Nag simula na ang victory at welcome back party na inihanda nila saamin. At dahil sa haba ng byahe ay kumain din kami. Nakakagutom kasi.
"Napanood ko ang performance niyo! Hindi ko alam na maganda pala kayong team leader, Anne at Karl. Bagay din kayo." Sabi ng mommy ni Karl. Napatingin kaming lahat doon.
"Taken na ako tita but thank you." Awkward ang ngiti ni Anne. Napansin ko naman ang dismaya sa mukha ng mommy ni Karl. She likes Anne for Karl? Eh gusto ni Karl si Doreena while Doreena likes Joshua. Hay buhay, ang komplikado talaga.
"Besides, hindi naman siya papasa sa taste ko." Tinaasan ni Anne ng kilay si Karl.
"Why of course! I'm over qualified with your standards." Halata sa boses ni Anne ang pagkairita. Natawa nalang ako. Pag ibig talaga, pag tinamaan ka na. Wala ka nang magagawa.
BINABASA MO ANG
Philophobia [COMPLETED]
Dla nastolatkówPhilophobia- Fear of being in love or falling in love.