III

906 27 4
                                    

Nikka's Pov


Nang dahil sa ginawa ko kanina kay Jay. Expected ko na ang mangyayari sakin ngayon. Na kailangan ko nanamang ihanda ang sarili ko para sa mga mustard sauce na kumakalat sa Rubber shoes ko ngayon.


"Bek eto oh." Binigay saakin ni Krys ang rubber shoes na I believe is kay Ricca.


"Salamat." Sabi ko at inayos na ang sarili ko matapos kong labhan ang rubber shoes ko na naliligo sa mustard.


"Nako bek. Hanggang kailan ba tayo mag titiis?" Tanong ni Krys saakin. Tumingin ako sakanya at ngumiti. Hindi ko din kasi alam ang isasagot ko sakanya.


"Hangga't kaya pa bek." Sabi ko at pinunasan ang pawis ko na kanina pa naghahabulan sa mukha ko.


"Hay naku. Pag talaga ako napikon dyan kay Jay. Ipapasampal ko yan sa libo libong babaeng niloko nyan. I swear to God!" Gigil na sabi ni Anne. Galit na galit talaga ang tropa ko sa fearless princes. Nakikita nila ang mga bagay na hindi nakikita ng mga fangirls nito.


"Wag niyong kalimutan na dati din namang fearless princes si Xander at Mark." Sabi ni Ricca. Napatingin naman ako sakanya.


"Oo at diba nga sakanila pa mismo nanggaling na malupit sila sa mga babae? At hindi ba nga sakanila pa mismo nanggaling ang baho ng Fearless Princes? Hindi naman namin nakakalimutan na former member sila nun pero hindi rin naman namin nakakalimutan ang ginawa nilang katarantaduhan sa kaibigan nating si Nikka." Sabi ni Krys kaya nalipat sakanya ang atensyon ko.


"Wala na yun Bek. Ang tagal na nun. Kalimutan nalang natin." Sabi ko sakanya at ngumiti.


"Pero wag niyo din naman sanang kalimutan na isa si Mikhail dun sa sinasabi niyong perwisyo." Totoo yon. Myembro ng Fearless Princes si Mikhail pero sakanilang lahat, siya ang naiiba. Napakabuti niya pero wala parin akong tiwala. Pag ang isang taong pinagkatiwalaan mo ng buong buo ay gumawa ng dahilan para masira ang tiwala mo, parang napakahirap nang ibalik yung tiwala na yun.


"Pero wag din sana nating kalimutan Ricca, na ang fearless princes din ang naging dahilan kung bakit lumayo ang loob ni Grail saatin." Sabi naman ni Anne.


"Pero wag mo ding kakalimutan na pinili yun ni Grail. Hindi siya pinilit." Sabi pa ni Ricca.


"At wag din nating kalimutan na magkakaibigan tayo kaya wag tayong mag away away." Singit ko sakanila. Biglang sumulpot sila Jaly out of nowhere.


"Nagtatalo ba kayo?" Tanong ni Doreena. walang umiimik saamin. Parang nag hihintayan ang isa't isa kung sinong unang magsasalita.


"Hindi." Sabay sabay na sabi namin.


"Talaga?" Sabay naman na tanong ni Doreena at Jaly.


"Oo." We said again in unison.


"Sabayang pagbigkas?" Tanong namin sa isa't isa. Nagtawanan naman kami dahil dun. Para talaga kaming mga praning pag nag sama sama. 

Philophobia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon