Hello
Krys' Point of View
Hinayaan naming magpahinga muna si Nikka. Nang tulog siya sa bahay namin ay lumabas kami sa kwarto para makapag usap usap.
"Hindi muna ako uuwi." Sabi ni Anne. Tumango naman ako. Nakakunot ang mga noo nila habang nag iisip.
"Paanong hindi niya kilala si Amanda?" Tanong ni Doreena. Paano nga ba? Hindi ko din talaga maintindihan kung anong nangyayari.
"Bakit ba kasi walang nag planong mag doktor dito?" Naiiritang tanong ni Kate. Bakit nga ba walang nag balak mag doktor saamin?
"Si Alexies, magiging doktor." Oo. Pangarap niya iyon at hanggang ngayon ay nag aaral siya para sa pangarap niya.
"Hindi naman natin pwedeng itanong yun sakanya!" Sabi ko. Umirap ako sakanila. As much as possible kung pwede namin siyang itago, itatago namin siya. Ayokong makita siya ng kahit sino sakanila. Madamot na kung madamot pero ayoko nang masaktan ulit ang kaibigan ko.
"Hindi kaya nag papanggap lang siya na hindi niya kilala si Amanda miski si Dexter?" Tanong ni Ashley.
"Kung ganon nga, mas mahirap iyon dahil hindi niya nailalabas ang emosyon niya. Mas magiging mahirap para sakanya yun. Mas makakasama iyon sakanya." Sabi ni Ricca. Hindi ko na napigilan ang pag luha ko.
"Bakit kailangan niyang mag panggap? Para matakasan ang sakit? Pero paano kung totoo? Paano kung talagang hindi niya maalala sila Dexter? Kasi bakit kailangan niya ring magpanggap na hindi niya kilala si Mark?" Tanong ko at pinunasan ang luha ko.
"Oo nga. Nung unang beses na tumawag siya hindi niya kilala si Mark. Tinanong niya pa ako kung boyfriend ko." Sabi ni Anne. Napapaisip talaga ako kasi hindi ko talaga naiintindihan kung bakit ganun eh.
"Girls?" Napalingon kami sa nagsalita. Gising na si Nikka at nakangiti siya habang pumupunta saamin.
"Hi Nikks." Bati namin sakanya.
"Sleepover tayo sainyo Anne. Please?" Tumingin saamin si Anne. Wala namang masama kung mag s-sleepover kami doon dahil doon naman talaga kami madalas.
"O-okay lang." Sabi ni Anne. Kumunot ang noo ko dahil napansin ko ang pag he-hesitate niya. At dahil dala namin ang mga kotse namin, kanya kanyang punta kami doon. Nang palabas na kami sa bahay ay kinuha ko ang braso ni Anne.
"Bakit?" Tanong ko sakanya. Namumutla siya ngayong hinarap niya ako.
"Krys pag gising ko kanina nandun ang FP sa bahay. Kumpleto sila! Magkakasama sila at biglang tumawag saakin si Nikka na papunta na siya sa bahay. Hindi ko siya pinatuloy dahil ayokong magkita sila. Hindi ko alam kung nakauwi na ba sila. Hindi ko alam kung anong mangyayari pag naabutan natin sila dun. Krys kinakabahan ako." Sabi niya. Ako naman ang namutla sa sinabi niya.
"Magtiwala ka Anne. Wala na sila doon." Sabi ko. Tumango naman siya. Sabay kaming lumabas at sumakay sa kanya kanyang sasakyan. Nag drive kami papunta sa bahay nila Anne. Pinapasok kaming lahat sa garahe nilang mala parking lot dahil kasyang kasya ang napakaraming sasakyan. Mas namutla ako nang makita ko ang sasakyan ni Alexies na naka park doon. Wala akong nagawa kung hindi ang ipark ang sasakyan. Nandito na kami... Anong gagawin namin?
"Krys!" Sigaw ni Anne sa labas. Lumabas na din ako kaagad. Umiiyak na siya pero pinatahan ko siya.
"Huwag kang magpapahalata na kinakabahan ka! Ngayon natin malalaman kung totoo bang nag papanggap lang si Nikka o talagang nakalimutan niya ang FP." Sabi ko sakanya. Bumaba na silang lahat sa kani kanilang sasakyan. Si Anne ang naunang pumasok at ako ang sumunod. Natigilan pa si Anne nang makitang nag lalaro ang FP ng spin the bottle.

BINABASA MO ANG
Philophobia [COMPLETED]
Teen FictionPhilophobia- Fear of being in love or falling in love.