XXXVII

285 3 0
                                    

Amanda's Point Of View

The moment I saw them complete, parang sinasaksak ang puso ko nang hindi ko maintindihan. Masyadong occupied ang utak ko sa mga bagay na alam kong kahit kailan ay hindi mangyayari.

"Anong mapapala mo pag ginawa mo yan?! May pakielam ba siya sayo?! Wala hindi ba?! Ikaw lang ang masasaktan!" Sigaw saakin ng kapatid kong si Mandy.

"I don't care Ate Mandy! I don't fcking care kung ako lang ang masaktan! I don't fcking care kahit lumuhod pa ako sa harapan niya!" Sinampal ako ni Ate Mandy na naging dahilan kung bakit ako napaluha. All my life, hindi pa ako nasasampal ng kahit sino sa pamilya namin. This is the first time.

"WAKE UP AMANDA! WALA NA SI DADDY! WALA NA SI ANDRE! WALA NA ANG MGA LALAKING TUNAY NA NAG MAMAHAL SAYO!" Napaatras ako dahil sa sinabi ni Ate Mandy. It's true. Wala na ang daddy, wala na rin si Kuya Andre. Both of them died because of a car accident. Mommy survived but got critical. Ginawa namin ang lahat para maligtas si mommy but no, hindi parin siya nailigtas ng mga doctor.

"No Ate Mandy. Hindi ako naniniwalang hindi niya ako kayang mahalin! I can make him fall in love with me. Minahal niya ako noon at alam kong mamahalin niya ulit ako ngayon. I know Dexter still love me. I know that. I can feel it." Humagulgol na ako dahil sa mga katagang sinabi ko. Niyakap ako ni Ate Mandy kaya mas lalo akong napahagulgol.

"Stop that Amanda. Hindi kita papabayaan. Hinding hindi mawawala si Ate Mandy sa tabi mo just don't do this." Umiling iling ako. No one can stop me. I love Dexter. I can have him back. I'll do anything.

"Babalik siya saakin Ate Mandy. I know that." Nakatulog ako dahil sa pagiyak ko. Nagising nalang ako nang matamaan ang mga mata ko ng sinag ng araw. Bumangon ako at napatingin sa paligid ko. Nasa kwarto na ako, hindi ko alam kung paano.

Nag bihis ako at ginawa ang routine ng buhay ko. Lumabas ako para mag pahangin muli sa dalampasigan. Hinawi ko ang buhok ko habang tinatanaw ko ang alon sa dagat.

"Sayang, may pasok na bukas." Narinig kong nanggaling sa isang pamilyar na boses. Napalingon ako sa gilid ko at muli ko silang nakitang kumpleto. Si Dexter at si Nikka ay magkahawak kamay. Si Calen ay nakaakbay kay Jaly. Si Xander ay nakahawak sa baywang ni Krys at si Mark naman ay naka back hug kay Anne. Ang iba ay nagsilbinh props sa eksena ng walo.

"Okay lang, babalik nalang tayo dito. Ang ganda pala dito eh." Medyo malayo ako sakanila kaya siguro ay hindi nila ako napapansin. My expression is blank. Nakatingin lang ako sakanila hanggang sa napatingin sa banda ko si Ricca kaya napansin niya ako. Umiwas ako ng tingin sakanya.

"Guys.." Bulong niya na narinig ko naman. Lahat sila napatingin saakin. Ramdam ko iyon sa peripheral vision ko. Tumalikod ako sakanila at umalis. Hindi ko na alam kung sinundan pa ba nila ako ng tingin or what. Bumuntong hininga ako hanggang sa medyo makalayo na.

"Amanda!" Lumingon ako sa tumawag saakin. Si Ate Mandy mula sa bahay na pinag tutuluyan namin ay tinatawag akom Malapit lang ito doon sa kinatatayuan ko kanina at tanaw kong nandun parin sila at nakatingin saakin. Lumapit ako kay Ate Mandy. Tinignan niya sila Dexter tapos bumaling ulit saakin.

"They saw you?" She asked. I nodded. Sumulyap muli siya doon sakanila at ganun din ako. They were all looking at me na para bang may ginawa ako.

"I didn't do anything. Hindi ko alam kung bakit ganyan sila makatingin saakin. I'm completely innocent." I said then opened the door. Pumasok ako sa loob pero hindi ko ito sinara. From inside, nakikita ko ang tagusan nilang tingin saakin. What did I do?

Wala pa nga akong ginagawa pero ganyan na sila makatingin. Paano pa kaya pag meron na?

"Amanda..-" Hindi ko na muna pinatapos si Ate at umakma akong lalabas.

"I'll visit Andre today. You coming?" Umiling naman siya kaya tumuloy na ako sa pag labas ko. Hindi ko na pinansin sila Nikka pero nabigla ako nang may tumawag muli saakin.

"Amanda!" Lumingon ako at nakita ko si Nikka na tumatakbo papunta saakin.

"Nikka, if you're going to ask for a cat fight, no. A million no for you. I need something to do. Something more important than fighting you." Matapos kong sabihin iyon ay tumalikod na muli ako pero hinawakan naman ng kung sino ang braso ko. Muli akong napalingon at si Dexter iyon.

"I hope this will be the last timw we'll see you again Amanda. Ayaw na namin maging parte ng buhay mo at ayaw ka na din namin maging parte pa ng buhay namin." Kung makapag salita si Dexter ay para lang siyang nag sasabi sa isang bata na hindi niya ito kayang bilhan ng candy. Napakadaling sabihin para sakanya kasi hindi naman siya ang nasa kinatatayuan ko.

"We'll see." Tinalikuran ko na silang muli at pumunta kung saan nakaparada ang sasakyan ko. Nag drive ako papuntang sementeryo pero bago iyon ay dumaan muna ako sa bilihan ng bulaklak.

"Hi Kuya. Hi Dad. Hi Mom. How are you guys?" Umupo ako sa damuhan sa harap ng puntod ni Kuya para sa gitna nilang tatlo. "I miss you." Nakangiti kong saad. I keep on telling stories about my life hanggang sa mapag desisyunan kong umuwi na kay Ate Mandy.

Pag uwi ko ay sinalubong niya kaagad ako nang nakahalukipkip at nakataas ang kilay. Ano naman kaya ang kasalanan ko dito?

"Oh bakit ganyan kamakatingin?" Tanong ko sakanya. Bumuntong hininga siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Don't do anything stupid Amanda." Tumitig ako kay Ate Mandy. What does she mean? Ako naman ang humalukipkip ngayon. My eyes are like hers. The three of us have the same eyes and lips. Only that my Kuya resembles my ate so much. Babaeng version lang. Ako lang naiba. Both of them got their features from dad. Mine is mixed.

"I won't. Unless, it helps." Matalim siyang tumingin saakin na ikinatawa ko. Napailing nalang ako at inalis ang hawak niya sa shoulder ko. Umupo ako sa may table at kumain ng pagkain doon.

"Don't you dare, Amanda. You know what might happen if you do that!" Binalewala ko ang mga sinabi niya at nag patuloy sa pagkain. Bigla naman akong nakaramdam ng pag crave sa strawberries kaya naman kumuha ako sa ref. Mabuti nalang at mayroon kami laging stock.

"Ate, I won't do anything super stupid lalo na kung alam kong makaka-apekto iyon saamin. I won't take any risks because of those people. No." Napailing pa ako habang kumakain ng strawberry. Napatingin ako sa may pinto at hinayaan lang ang mga mata kong nakatitig doon.

Hindi nga ba? Hindi nga ba ako gagawa ng bagay na ikakapahamak namin? Even though thay thing means having Dexter back? Hindi nga ba? Hindi ko alam. Hindi ko maipangako.. Sana.

~~

Philophobia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon