Jay's Point of View
Unang araw pa lang, inaway ko na si Nikka Nuevo. Feeling ko kasi siya yung tipo ng tao na talagang papalag pag inaway mo. Siya yung tipo ng tao na mas malakas pang sumuntok sayo pag nag sapakan kayo sa loob ng ring. Hindi naman yata ako nag kamali.
"Hi Nikka." Bati ko sakanya 1st week ng school. Sinarado niya ang locker niya nang pagkalakas lakas kaya napatingin saamin lahat ng nandun.
"Kung b-bwisitin mo lang ako Jay, okay na. Mukha mo palang solve na solve na. Pwede nang panira ng araw kaya pwede ba? Lubay-lubayan mo ko kung ayaw mong umuwi ka nang hindi ka nakikilala ng nanay mo!" Sigaw niya saakin. Napangisi naman ako sa ugaling pinakita niya.
Si Nikka ay isang scholar sa Shinlee university. Siya talaga yung tipo ng babaeng sa unang tingin akala mo anghel pero pag nakilala mo na, demonyita pala talaga. Classmate ko na siya ng high school. Matagal tagal ko na ding sinisira ang buhay niya pero hindi naman siya nagpapatalo saakin.
Hindi ko alam kung anong trip ni Dexter lalo na nung sinabi niya saamin na liligawan niya si Nikka. Pinabayaan ko tutal gusto niya iyon pero mas lalong hindi ko inexpect eh yung panahon na pinaglaruan niya lang pala si Nikka. Sineryoso pala nila ang pustahan na ginawa nila.
Nakita ko kung paano nasira si Nikka nung mga araw na iyon. Nakita ko kung gaano niya sinira ang buhay niya. Tipong nagkaroon siya ng failing grade at halos hindi na pumapasok araw araw. Buti nga bumalik siya eh. Kung hindi, baka natanggal siya sa Shinlee.
"Tangina mo Dexter! Sirang sira si Nikka dahil sa ginawa mo!" Sigaw ko sakanya matapos ko siyang bigyan ng isang malakas na suntok. Dumugo ang gilid ng labi niya kaya naman pinunasan niya iyon at ngumisi.
"Wala akong kasalanan kung minahal niya ako ng sobra Jay. Hindi ko kasalanan na sa kabila ng pagiging matalino niya, ang tanga tanga niya sa pag ibig." Hindi ako nakapagtimpi kaya binigyan ko siya ulit ng malakas na suntok.
"Tangina mo pare." Pinigilan ako ni Karl at ni Joshua samantalang dinaluhan naman ni Alexies or can be called Xander at Mikael si Dexter.
"Ano bang problema mo? Bakit big deal sayo na pinaglaruan ko yung Nikka na yun? Hindi ka naman nakikielam noon sa mga nilalaro ko ah? Ngayon lang!" Sigaw niya pabalik saakin at sinubukang tumayo.
"Iba si Nikka! Hindi niya deserve yung ginawa mo sakanya. Yung mga nilandi mo noon, handang magpalandi yun sayo. Pero si Nikka? Hindi. Sinubukan mo lang pumasok sa buhay niya kahit pa ayaw niya talaga sayo! Pinakita mo yung malandi mong side para mahulog siya sayo at papasukin ka niya sa buhay niya! Tangina mahirap makuha ang tiwala ni Nikka pero nakuha mo yun! Ngayon sasaktan mo?! Gago ka talaga!" Galit na galit ako sakanya. Oo. Sobra. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil kahit inaasar ko si Nikka, hindi ko naisip na gawin iyon sakanya. Ang saktan siya ang huling bagay na naisip kong magagawa ko sa buong buhay ko.
"Tumigil nga kayo!" Sigaw ni Mark at nilapag ang mga beer. Kumuha ako ng isa at uminom.
"Pasensya na Jay. Hindi ko naman talaga dapat papatagalin eh pero kasi nahuhuog na din ako. Iniwan ko siya kasi alam kong gagambalain siya ni Amanda pag naging kami." Sabi niya saakin. Tinignan ko siya ng masama at inubos muna ang beer bago ako nag salita.
"Kung iiwan mo siya, iwan mo na siya. Magpakalayo layo ka na. Tipong hindi ka na niya makikita kahit kailan. Wag ka nang magpapakita sakanya hanggang hindi pa siya handa. Wala kang kwenta!" Yun nga ang ginawa niya. Hindi na siya nag pakita pa after nung conversation namin na yun.
Naging maayos si Nikka makalipas ang ilang taon. Bumalik din ako sa kakaasar sakanya at bumalik din naman siya sa kakabara saakin. Napikon ako doon sa sagutan namin sa cafeteria. Paano ba naman? Halatang hinihit on niya si Amanda. Hindi niya alam na maraming kayang gawin si Amanda sakanya. Napikon ako hindi dahil sa mga asar niya. Napikon ako sa fact na maaaring masaktan siya ni Amanda at ayaw ko nun.
"Pabalik na daw si Dexter ha?" Sabi ni Mark saakin. Tumango naman ako. Alam ko na yan. The next day nang malaman namin na babalik na si Dexter, kumalat na din ang balita noon sa school. Umupo ako sa cafeteria. Malayo sa pwesto nila Nikka. Nakikita kong wala naman siyang problema sa mga balitang nakakarating sakanya.
Akala ko wala siyang pakielam pero nang dumating si Dexter, halatang affected parin siya. Alam ko dahil nakikita ko sa mga mata niya. Mas hindi ko natanggap nung mga panahon na binigyan niya ng pangalawang pagkakataon si Dexter.
"Ganun na ba talaga katanga ang mga babae sa pag ibig? Grabe par! Hindi ko pinalayo si Dexter sakanya para lang magpakatanga ulit!" Sabi ko habang nasa bar kami nila Joshua. Tumawa naman si Joshua.
"Pabayaan mo na ang pinsan ko. Alam mo naman iyon." Sabi niya saakin. Umiling nalang ako. I got drunk that night kaya sobrang sakit ng ulo ko pagkagising ko kinabukasan. The fact that she's taking the risk again hurts me. Ewan. Nababaliw na yata ako.
Nalaman ko na nabuntis ni Dexter si Amanda dahil sinabi saakin ni Amanda. Hindi ko sinabi kay Nikka pero binugbog ko si Dexter matapos kong malaman ang lahat.
"Tangina sasaktan mo nanaman si Nikka!" Sigaw ko sakanya.
"Lasing ako nun! Hindi ko alam ang ginagawa ko!" Pangangatwiran niya. Umiling ako. Kilala ko si Nikka. Hindi niya hahayaan na ang bata ang mag sakripisyo para sakanya. If making that child happy means letting Dexter go, she will.
And she did. Nawala si Nikka after ng graduation. Habang nasa Canada siya, wala na kaming naging balita sakanya hanggang sa manganak si Amanda ng babae. Nag ninong kami ng anak nila ni Dexter. At hanggang sa makabalik si Nikka. Hindi ko alam kung paano mag re-react nung nakita namin siya na papasok sa bahay nila Anne. Wala siyang makilala. Napamura ako sa isipan ko nun dahil hindi ko alam kung nag papanggap ba siya o hindi dahil kung oo, tangina hindi halata.
"May traumatic amnesia si Nikka." Pag e-explain ni Alexies saamin. Pinaliwanag niya ang nangyayari kay Nikka. Gusto kong pumatay ng tao dahil sa sinabi ni Alexies. Nag hintay kami ng ilang minuto. Bumaba si Ricca kaya hinila ko siya kaagad sa may garden.
"Kamusta siya?" Tanong ko sakanya.
"Alam mo? Kung naaawa kayo kay Nikka, wag. Maswerte nga siya dahil hindi niya maalala ang mga kagaguhang ginawa niyo sakanya eh. Maawa kayo saamin, Jay. Walang kasalanan si Anne tapos pinagsalitaan niyo ng ganun? Mahal na mahal ni Anne si Mark hanggang ngayon at ang makarinig ng masakit na salita galing sa mahal mo'y sobrang nakakapang hina. Kung mahalaga sainyo si Nikka, hintayin niyong maalala niya kayo. Pero kami? Wala kaming matutulong sainyo para maalala niya kayo dahil hindi pa namin nakakalimutan na kayo ang dahilan kung bakit nahihirapan at nasaktan siya." Sabi niya. Sinuntok ko ang pader na malapit saamin.
"Hindi ko na hahayaan na masaktan pa siya Riccs. Tama na ang isa lang. Ayoko na. I will love her endlessly. I will make her feel special. Hinding hindi ko ipaparamdam sakanya na nagkamali kami ng unang pagkakataon." Ngumiti saakin si Ricca.
"May tiwala ako sayo Jay. Pero sa ngayon, hayaan niyo muna si Nikka at magpanggap kayo na ngayon niyo lang rin siya nakilala. That's the least you can do to show your love for her na tinago mo ng ilang taon." Tumawa siya bago pumasok ulit sa loob. Tinignan ko si Ricca na papunta sa kusina. Bumababa si Nikka nang makapasok na si Ricca.
"Hoy Mark! Ang kapal kapal ng mukha mo!" Sabi niya. Inawat ko naman siya.
"Chill." Sabi ko sakanya. Tinignan niya ako and the moment she laid her eyes on me... I know. She's the girl I will never get tired loving. From the day I saw her in our classroom way back in freshmen years, I know. She's the one for me.
Darling don't be afraid to fall in love. Because I will take away all the pains you felt. I will take away all your fears. Your philophobia won't stop me from loving you. Remember that.
~~
A/n: Ise-self pub ko ito pero di ko naman kayo pipilitin na bumili hahaha PM nalang ako sa mga gustong bumili. Loveyou all <3 Hintayin niyo po yung book 2 ;)

BINABASA MO ANG
Philophobia [COMPLETED]
Novela JuvenilPhilophobia- Fear of being in love or falling in love.