Krys' Pov
Naiirita na ako dahil kulang nalang maghubad ang dalawang nasa tabi ko ngayon. Kung hindi pa nag excuse si Nikka ay hindi pa sila titigil pero bumalik din naman sila sa business nila.
"Hindi niyo naman nasabi na may live play pala dito sa table natin. Tignan niyo oh, halos lahat ng students saatin nakatingin." Inis na sabi ni Doreena. Napatingin ako sa paligid at tama nga siya. Hindi lang siguro dahil sa nakikita nila ang mga FP. Maybe isang dahilan ay ang unang pagkakataon nilang makitang magkasama ang dalawang rival groups at pangalawa naman ay ang nag sh-show dito sa tabi ko.
"Jusko naman! May balak ba kayong gawing motel tong Canteen? Maawa naman kayo oh! Pigilan niyo lang hanggang makauwi kayo okaya pwede na kayong umuwi ngayon na." Sabi ko dahil iritang irita talaga ako sa presensya nilang dalawa.
"Hi. Am I missing something? Bakit magkasama ang dalawang rival groups?" Biglang sulpot ni Pine somewhere tapos napatingin kay Dexter at Amanda na hanggang ngayon ay hindi parin tumitigil. Bukas na nga ang dalawang unang butones ni Amanda eh.
Alam ng lahat ang kalandian ni Amanda pero para sakanila hindi naman big deal yun dahil halata naman sa mukha niya. Eh ang kaso lang diba? Nakakadiri parin.
"Unang una, mukha kang pinya, Pine. Pangalawa, wala kang pakielam. Pangatlo, masama ba?" Pag tataray ni Jaly.
"Chill babe." Sabi ni Calen. Tinaas naman ni Jaly ang tinidor niya at tinutok kay Calen na para bang anytime na magsalita si Calen ay isasaksak niya ito sa bunganga niya.
Biglang nag bell sign na back to classes na. Sa wakas tumigil na din yung dalawa. May binulong pa si Dexter kay Amanda na nakapag pangiti rito. Tapos bigla nalang umalis si Dexter at hindi ko alam kung saan siya pupunta.
"Ang landi mo rin eh no?" Prangkang sabi ni Ricca kay Amanda. Tinaasan niya naman ng kilay si Ricca. Makikita mo talagang galing lang siya sa lampungan dahil kalat kalat ang lipstick niya.
"Excuse me?" Bitch. Nakakairita talaga ang pagmu-mukha ni Amanda. Gustong gusto ko na tuloy hilahin yung nguso niya.
"Excuse me? Sige dumaan ka. Nang ipahalik ko sayo yung lapag." Iritang sabi naman ni Doreena.
"Chill lang tayo mga babies." Sabi ni Mikhail. Siniko ko naman siya kaya napatahimik siya. Napansin kong nakangisi si Jay na para bang natutuwa sa show na nakikita niya.
"Kasalanan ko bang.. namiss lang talaga ako ni Dexter kaya ganon?" Tanong ni Amandalandi.
"Namiss? Ulul! Lahat namiss nun. Pang 26 ka ng babaeng hinalikan niya ngayong araw na ito. Hindi ka inform? Wait..-- Nasan na ba yung phone ko at nang mapakita sa babaeng ito yung proof." Sabi ni Anne at nag akto pang kinukuha ang phone niya at parang may hinahanap. Nainis naman si Amanda doon.
"Ugh! Annoying!" Sabi niya at lumabas. Tumingin kaming lahat kay Anne.
BINABASA MO ANG
Philophobia [COMPLETED]
Fiksi RemajaPhilophobia- Fear of being in love or falling in love.
![Philophobia [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/72020860-64-k688397.jpg)