IX

500 17 3
                                        

Grail's Pov


Habang nakahilata ako sa kama ko at ineenjoy ang summer ko sa bahay ay biglang nag vibrate ang phone ko sign na may tumatawag saakin.


Tinignan ko ito at si Anne ang tumatawag. Bakit naman ito tatawag saakin?


Pagkatapos nung laro ay hindi na ulit ako nagpakita sakanila. Gusto ko lang naman maramdaman na isa parin ako sakanila. Ewan ko ba. Nap-praning na yata ako.


Nawala na ang call pero agad din ulit itong tumunog kaya sinagot ko na.


"Oh Anne, bakit napatawag ka?" Tanong ko sakanya.


(Hi Grail! Ano kasi. Mag S-summer vacation kami sa Palawan. Gusto mo bang sumama? Sige na please? Minsan ka nalang naman namin makasawa eh.) Ilang minuto ko itong pinag isipan. Sasama ba ako? Hindi ko alam.


"Kailan ba?" Tanong ko pa sakanya.


(Next week pa naman.) Binasa ko ang labi ko dahil nanunuyo nanaman ito.


"So ibig sabihin may 1 week pa ako para pag isipan?" Tumawa naman si Anne sa kabilang linya.


(Oo naman. Pero tawagan mo ako kaagad pag nakapag decide ka na ha? Osige. Ciao!) inend na nito ang call at hindi na ako hinayaang mag salita.


Napahiga nanaman ako sa kama at inisip si Nikka. I've been in love with that girl ever since high school palang kami. Hindi niya pa ako napapansin nun dahil 'no one' lang naman ako dati. At hanggang ngayon hindi niya parin alam na ako yung pinagtanggol niya noon kanila Jay.


Nakakahiya man isipin pero totoo. Siya pa talaga ang nag tanggol saakin noon nung binu-bully ako nila Jay. Kaya ngayong College na ako ay natuto na akong lumaban. Pinangako ko din sa sarili ko na hinding hindi ako gagawa ng dahilan na ikapapahamak nila Nikka.


~Flashback~


Magkasama kami nila Krys noon na masayang nag k-kwentuhan. Una ko kasi naging kaibigan si Ricca tapos ay pinakilala niya na ako kanila Nikka at sa iba pa. Nahiya pa nga ako nung una pero naisip ko na dapat kapalan ko na ang mukha ko dahil nandun ako para protektahan sila.


Oo, nagagawa ko naman ang misyon ko. Pero habang patagal nang patagal ang pagiging magkakaibigan namin, parang hindi ko na ito ginagawa dahil sa utang na loob. Parang masaya na akong ginagawa ko ito. Masaya akong pino-protektahan ko sila.. Si Nikka.

Philophobia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon