Chapter 28
Eenie Minnie Miney Mo
Nikka's Point Of View
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at kanina pa ako hindi kumakain sa kakaisip tungkol sa mga sinabi ni Grail saakin kanina lang. Hindi ko alam kung aaminin ko ba sa sarili ko na tama siya o itatanggi ko nanaman sa sarili ko na may pagkukulang talaga ako?
"Nak? Okay ka lang ba?" Tumingin ako kay mama, nung isang beses lang ay magkausap kami tungkol sa pag payag ko sa panliligaw ni Mikhail saakin pero ngayon, paano ko sasabihin sakanya na dahil doon ay parang nawawalan na ako ng mga kaibigan?
"Okay lang ako ma." Sabi ko sakanya. Umupo siya sa gilid ng kama ko at tinitigan ako na para bang kinakabisado niya ang mukha ko. Ilang segundo pa ay bumuntong hininga siya.
"Nanay mo ako, nararamdaman ko kung may problema ka o wala at nararamdaman ko ngayon ay parang meron nga. Ano iyon Nikka?" Tanong pa niya saakin. Bumuntong hininga ako at umupo para makausap ng maayos si mama. Nag simula na akong umiyak nang balikan ko ang pag uusap namin ni Grail kanina.
"Sila nga ba ang nalalayo sayo? O baka naman ikaw ang nalalayo sakanila."
"You don't get it, do you? Nikka, you're slowly drifting away from us. Away from me. Away from them. Away from everyone. Nagsisimula ka nanamang gumawa ng parehong pagkakamali. It's Dexter, right? Siya ang laging kasama mo tuwing sinasabi mong pass ka sa mga gala, hindi ba? Nikka, open your eyes please not only your heart. Your eyes and mind should be open too. Kailangan mo nang malaman kung ano ba talaga ang gusto mong marating sa buhay mo. Gusto mo bang lumagapak ulit at mag hintay na may taong tutulong sayong bumangon? Kung ganon, wag mo na sanang idamay ang ibang taong nagmamalasakit sayo."
"Hindi mo ako naiintindihan kasi sarili mo lang ang naiintindihan mo Nikka. You're being indecisive. You're being soft hearted once again. I understand na binigyan mo ng pangalawang pagkakataon si Dexter para mapatunayan sayo na sincere siya sa apologies niya but Nikka, what you're doing is crossing the line of being just KIND or being just FRIENDS. Nakakalimutan mo na yung mga taong nandyan para sayo simula pa nung umpisa hanggang sa marating mo ang pinakababa dahil kay Dexter. You've been drown for years but they were there to help you. Now that you finally lifted yourself up and ready to be drown once again, kinakalimutan mo na sila? I know you want to forget about what happened years ago but Nikks, paano naman sila? What about them?"
"Okay sige, nandun na tayo sa gusto mo ngang makalimot. Pero Nikka, yung mawalan ka ng oras sa mga kaibigan mo dahil sa isang taong sinaktan ka noon. Isn't that too much? And now that Mikhail is courting you, paano na? Paano na kami lalo? Makakalimot ka na ganoon? Kung hindi kay Dexter eh nakay Mikhail ang atensyon mo. Hindi mo pa nga mapapansin lahat ng ginagawa mo kung hindi pa kita kinausap ngayon eh. Nikka, friendly advice lang ha? Utak muna, wag puro puso. Dahil kung puro puso ang uunahin, paano kaming totoong nagmamahal sayo? Paano kaming kaibigan mo? Paano naman AKO?"
"Mama, I feel like I'm slowly drifting away from my friends. Masyado ako naging selfish sa mga bagay. Hindi ko na naisip yung mga taong totoong nag c-care saakin. Once na akong niloko ng tropa nila Jay pero ngayon na ayan na ulit sila ay kumakapit nanaman ako sa bait kung saan wala akong mapapala kundi masaktan at mapunta lang sa baba." Hinagod ni mama ang likod ko at sinusubukan akong pakalmahin.
BINABASA MO ANG
Philophobia [COMPLETED]
Teen FictionPhilophobia- Fear of being in love or falling in love.