Jay's Pov
Nandito kami ngayon sa tambayan namin sa may likod ng school. May hideout kasi kaming tropa dito na hindi talaga alam ng mga tao. Hindi purkit sinisigawan, tinitilian at kinahuhumalingan ka ng mga tao ay masasarapan ka na sa ganung buhay. Nakakainis din minsan.
"Pare, hindi kaya parang nagiging sobra na yata yung ginagawa natin kanila Nikka?" Tanong ni Calen. Napatingin naman ako sakanya.
"Naaawa ka sa mga yun?" Tanong ko. Yumuko naman siya.
"Totoo naman nagiging sobra na ang perwisyo natin sakanila." Biglang singit ni Mikhail. Tumayo naman si Joshua para kumuha ng beer sa ref. As usual hindi naman mag sasalita yan dahil tahimik lang naman ito.
"Basta ako, wala akong ginagawa sakanila. Kayo lang meron." Sabi ni Alex.
"Hindi naman kasi dapat nadadamay si Nikka at yung iba eh. Si Anne at Krys lang dapat dahil sila ang dahilan kung bakit tumiwalag saatin si Mark at Xander. Kaso napakapakielamera lang nyang crush mo Mikhail eh." Sabi ko. Tumingin naman ng masama saakin si Mikhail. Kabaklaan plus Katorpehang taglay.
Tinext ko sila Calen at Alex na dalhin si Mikhail sa locker room ng gym. Nag tataka pa silang tumingin saakin pero hindi na rin naman sila umangal.
"Tara Josh, Karl! Punta tayong canteen." Tumayo naman si Karl at sumama saakin.
"Tara par Practice tayo." Sabi naman ni Alex kay Mikhail. Nag hiwalay na kami nang makalabas kami sa hideout.
Naglalakad lakad kami nila Karl nang makita ko ang isang babaeng may salamin. Ngayon ko lang ito nakita. Tumingin siya pero yumuko din at naglakad palayo. Baguhan ito dahil hindi niya kami kilala.
"Pst! Miss!" Tumingin naman ito saakin at tinuro ang sarili niya na para bang nagtataka siya na tinatawag ko siya.
"B.--Bakit?" Tanong niya. Napakamot pa siya sa gilid ng ulo niya.
"Bago ka dito?" Tumango naman siya.
"Kaya pala." Bulong ni Karl. Tumingin naman ito kay Karl tapos kay Joshua. Tumigil ang tingin niya dito at parang naglalaway na. Tsh. Tumingin ako kay Joshua kaya naman napatingin din ito saakin tapos dun sa babaeng nakatulala sakanya ngayon.
"Tch." Sabi niya lang at nag diretso sa paglalakad. Sinundan pa siya ng tingin nung babae.
"Kilala mo ba yon? Makikilala mo siya sa isang condition." Tumingin saakin yung babae.
"A..--Anong condition?" Yan ang gusto ko sa looks ni Joshua. Nagagamit eh.
"Hanapin mo si Nikka Nuevo. Pag nakita mo na siya, hindi siya dapat makakawala sa tabi mo. Eto ang number ko. Itext mo ako pag nakita mo na siya at kung nasaan kayo." Sabi ko at binigay sakanya ang number ko.
BINABASA MO ANG
Philophobia [COMPLETED]
JugendliteraturPhilophobia- Fear of being in love or falling in love.