XXV

433 16 4
                                    

Nikka's Point Of View


We're on our way sa classroom. Ito nalang lagi ang eksena. Kung wala sa canteen ay papuntang classroom. Nakakasawa na din. But this time it's different, puro hi, hello, uy musta. Ang madadaanan mo. Puro kaplastikan.


"Parang dati lang inaapi api tayo tapos ngayon. Tch! Mga walang magawa sa buhay kung hindi mamlastik." Sabi ni Jaly. Time flew so fast. It's been 2 weeks since nung eksena sa bahay nila Anne. Hindi n rin nag balikan yung apat. Anne and Krys were both trying to move on na din.


"Ganyan talaga. Bukod sa nanalo na tayo sa international Acapella. Kasama pa natin si Anne na pinsan ni Alex. Oh diba? Times two ang kaplastikan nila." Iritang komento naman ni Doreena. Nakakatawa talaga sila.


"Nikka!" Napatingin ako sa tumatakbo palapit saakin. Si Grail!


"Grail!" Binuhat niya ako at pinaikot sa ere. Ganyan siya lagi pag nakikita niya ako. Parang adik nga eh.


"Nako ang lovebirds. Nag sama nanaman." Tumalim ang tingin ng mga babae sa paligid pero nang tignan ko sila ay ngumiti sila nang kita na ang gilagid. Asar!


"Hindi naman kami lovebirds." Sabi ni Grail. Napangiti nalang ako. Alam ko sa sarili kong hindi pa ako nakakamove on pero ginagawa ko ang lahat para maka move on na. Isa pa, nagkapatawaran na din naman kami eh.


"Anne? Anne! My queen. My Queen please kausapin mo ako." Sa 2 weeks na lumipas. Ganyan lagi sila. Kung hindi si Mark at si Xander. Papakinggan lang sila ni Anne at Krys pero hindi rin naman sila papansinin.


"Mark. Alam mo? Pagod na pagod na ako sa araw araw na haharangin mo ako para makipag usap sayo. Binibigyan kita ng oras para mag salita pero paulit ulit lang sinasabi mo. Tama na Mark. Nakakasawa na yung ganyan eh." Umalis na si Anne. Sinundan namin siya. Nabalitaan ko pa nga na bumalik na sa FP si Mark at Xander.


"Ayaw mo na ba talaga siya bigyan ng chance, Anne?" Tanong ni Grail. Umiling iling nalang si Anne. May trust issues kasi ang isang ito.


"Mukha namang sincere siya eh." Sabi naman ni Kate.


"Minsan kasi hindi tayo dapat mag papadala sa mga sweet words. Yan lang kasi ang magiging dahilan kung bakit tayo masasaktan at iiyak." Makahulugang sabi ni Krys. Bumuntong hininga nalang ako. Wala na talagang pag asang mabuo ulit ang tiwala nila kanila Mark. Nakakalungkot lang isipin na sa isang iglap eh mawawala nalang lahat ng pinag samahan.


"Oh siya sige. Dito na kami." Paalam ni Grail. Tumango naman sila. Pumasok na kaming tatlo sa classroom. Nag focus ako sa pakikinig ng lesson. Nang marinig kong sumisingot si Krys. Napalingon ako sakanya. Umiiyak nanaman siya. Bakit? Kasi yung notebook niya ay personalize. Picture nilang dalawa ni Xander.


"Hay nako Bek. Hindi ka makakafocus niyan sa ginagawa mo." Sabi ko sakanya. Pinunasan niya naman ang luha niya at nagpatuloy nalang sa pag sulat ng lesson. Ganun din ang ginawa ko. Mabuti nalang pala at hindi naging kami ni Dexter, kung hindi baka mas masakit ang naranasan ko.


"Pasensya na Nikka, hindi ko parin kasi matanggap eh." Sabi ni Krys. Tumango nalang ako. Wala na din naman kasi akong magagawa kung hindi niya makalimutan eh. Syempre, ang sakit kaya non.

Philophobia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon