XIV

474 16 17
                                        

Nikka's Point Of View


2 months past. Nakabalik na kami sa Manila. Masaya naman ang naging one month vacation namin. At sa isang buwan na lumipas ay sinagot ko na din si Grail. Bakit pa papatagalin ang panliligaw kung relasyon naman ang dapat, hindi ba?


"Bek, sigurado ka ba talagang handa ka nang mag mahal ulit?" Tanong ni Krys saakin. Nanonood kasi kami ngayon ng movie dito sa bahay. Dalawa lang kami.


"Oo naman Bek. Kailangan ko nang kalimutan yung mga bagay sa past." Natatawang sabi ko. Pero mukhang hindi naman siya satisfied. Mula nung araw na sinagot ko si Grail, palagi niya nang tinatanong saakin kung handa na daw ba talaga ako magmahal ulit. Ayaw niya daw kasi akong masaktan pati si Grail dahil pareho niya kaming kaibigan.


Pero pareho lang naman ang sagot ko sakanya. Oo at oo lang.


"Bek kasi. Alam mo? Mahirap na. Paano kung bumalik na..-" hindi niya naman natapos ang sasabihin niya nang magsalita na ako.


"Nako Bek! Kahit ako hindi ko alam ang mangyayari pag bumalik na siya pero I'm hoping na sana hindi yun maka-apekto saamin ni Grail." Lumapit naman si mama saakin. Alam niya na ang tungkol saamin ni Grail at tuwang tuwa siya dahil don. Sabi niya na nga daw ba at kami rin ang magkakatuluyan.


"Isama niyo naman ako sa girls talk niyo." Sabi niya. Tumawa naman ako pero si Krys ay halatang bother na bother parin sa maaaring mangyari. Kahit ako ay napaisip na rin. Pero hindi ko naman hahayaan na sirain niya yung relasyon namin ni Grail.


"Eto kasing si Krys, Ma. Kung ano anong bino-bother sa sarili. Parang praning." Natatawang sabi ko. Tumawa din naman si mama pero si Krys talaga ay hindi nakukuhang ngumiti man lang. Parang alam na alam niya talaga na hindi maganda ang magiging resulta nung pag sagot ko kay Grail.


"Alam ko na yung problema niyo." Sabi ni mama. Bumuntong hininga naman ako.


"Ayoko naman talagang mag doubt sakanila eh. Kaso alam mo yun mama Gea? Being her super duper ultra mega best friend parang may nararamdaman akong hindi maganda at hindi naaayon sa nangyayari ngayon" Pag papaliwanag ni Krys.


"Katulad ng?" Tanong ni mama sakanya.


"Katulad nalang ng paano kung bumalik si Ex? Paano kung lahat nalang eh magulo sa pag babalik niya? We'll never know what might happen." Sabi pa ni Krys na kinaisip ko nanaman. Sa totoo lang tuwing naiisip ko si Ex parang bumabalik lahat ng sakit ng past at parang natatakot nanaman akong magmahal pero tuwing nakikita ko naman ang sincerity ni Grail saakin ay nawawala lahat ng fear ko.


"Hindi naman nakakapag taka kung mag re-react si Nikka kung babalik man si Ex. Pero sana naman Nikka, paglaban mo yang desisyon mo na pag sagot kay Grail dahil sinasabi ko sayo, mahirap yan. Magkaibigan kayong dalawa simula first year ka. Baka masayang lang ang pinag samahan niyo nang dahil sa hindi malinaw na dahilan." Sabi ni mama. Bigla tuloy akong natakot at ilang beses ko din talagang tinanong sa sarili ko kung anong gagawin ko pag bumalik si Ex.


**


At dahil sa sobrang pangangaral ng nanay ko at ng kaibigan ko saakin ay hindi talaga ako nakatulog. Patuloy ko paring iniisip yung possibilities. Bukas ay aalis kami ni mama para bumili ng gagamitin ko dahil malapit na ulit magpasukan at huling taon ko na sa Shinlee University kaya kailangan na talaga ng sobrang pagsisikap para matanggap ko abg diploma ko.

Philophobia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon