XIII

481 15 10
                                    

Nikka's Pov


Naglalakad lakad kami sa tabing dagat nang hawakan ni Grail ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na ligawan niya ako pero kasi parang yun ang sinasabi ng puso ko. Na kailangan ko nang maka move on sa past ko. Hindi naman masamang subukan. Hindi naman sa ginagamit ko si Grail para maka move on, ang sakin lang kasi. Nandyan na nga siya, siya na yung lumalapit. Bakit hindi diba?


"Jay? Oh Jay!" Sigaw ni Ricca. Nakita nanaman namin sila Jay na ngayon ay nakabihis pang alis.


"Aalis kayo?" Tanong ni Anne. Tumango naman si Jay.


"Naisip kasi namin na, hindi talaga tamang mag sama sama tayo sa iisang vacation place. Magkakagulo lang. Naisip din namin na wag nang sirain ang bakasyon niyo. Grail, pasensya ka na sa nangyari kahapon. Pasensya na kung nagulo namin kayo. Aalis na kami." Nalungkot naman ako sa sinabi ni Jay. Ewan ko ba, parang hindi naman nila kailangan umalis.


"Teka Jay!" Pag pigil ko nang makalampas na sila saamin.


"Ano yun Nikka?" Tanong niya.


"Hindi niyo naman kailangan umalis eh. Since nandito na tayong lahat ngayon, bakit hindi na tayo mag sama sama sa pag babakasyon? Wala namang masama at wala rin namang mawawala kung mag sasama sama tayo diba? Kaya naman nating kontrolin ang mga temper natin eh." Sabi ko. Umagree naman sila at napansin kong napangiti si Mikhail dahil sa sinabi ko.


"Sigurado ka ba dyan Nikka?" Tanong ni Joshua. Tumango ako.


"Okay lang samin yun kung okay lang sakanila." Sabi ni Karl at tumingin kanila Doreena.


"Okay lang sakin. Wala namang problema." Tugon ni Doreena.


"I'm fine with that." Ricca.


"No problem." Jaly.


"Majority wins." Krys.


"At since namiss ko kayo, osige." Sabi naman ni Kate.


"Ano pa bang magagawa ko? Eh Oo na ang lahat." Sabi naman ni Anne. Napangiti naman ako doon.


**


Sama sama kaming nag sasaya nila Jay. Biruin mo, sa dinami dami ng nangyari sa school, dito pa namin naisipan mag bati bati? Pero sa tingin ko, wala ito. I mean, nag bibigay lang ng consideration ang isa't isa since ayaw naman nilang masira ang bakasyon. 


"Okay ka lang?" Tanong ni Grail at binigyan ako ng tubig. Nandito kami sa tabing dagat at nag bo-bonfire kami. Naisipan muna namin syempre na maligo sa CR bago mag bonfire.


"Oo naman. Okay na okay." Sabi ko sakanya at nginitian siya. Hindi na rin naman masama kung sasagutin ko si Grail dahil matagal ko na naman itong kilala at matagal niya nang sinusugal ang buhay niya para sa tropa. Isa pa, mabait din naman si Grail tapos gwapo pa. Saan ka pa diba? Pero minsan napapaisip din ako. Paano kung hindi pala kami ni Grail ang para sa isa't isa? Ang awkward naman nun sa tropa pag nag kataon na mag hiwalay kami.

Philophobia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon