XXXIX

331 9 1
                                    

Chapter 39


Nikka's Point Of View


Pag uwi ko ay agad akong pumasok sa kwarto ko. Hindi ko nakita si mama, hindi ko siya napansin o baka hindi ko talaga ito pinansin. Masyadong masakit ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba. I trusted once and he broke it. Nagawa kong mag tiwala ulit despite of everything pero nagawa niya ulit itong sirain.


"Nikka! Mygosh Nikka!" Narinig kong sigaw ni Krys sa labas ng pintuan. Hindi ko alam kung may kasama pa siyang iba at wala rin akong pakielam. Ayoko munang lumabas. Ayoko munang magpakita sakanila.


"Nikka open this door!" Sigaw ni Anne. That's how I knew na magkakasama silang lahat. Ano nga bang iniisip ko? Hindi naman mangyayaring si Krys lang ang nandito. I just hope na lahat ng ito ay mawala at ang mga kaibigan ko nalang ang nakilala ko, hindi na sila.


"Leave me alone!" I shouted. Alam ko namang hahayaan nila akong mapag isa ng mga trenta minutos lamang but at least I got time for myself kahit 30 minutes lang yon.


Hindi na ulit ako nakarinig ng kahit anong ingay sa labas. Dinalaw ako ng gutom kaya napag desisyunan kong bumaba. Nang makababa ako ay nakita ko silang lahat na kanya kanyang pwesto at natutulog sa may sala. Napangiti ako dahil doon.


"HOY MAG SI GISING NGA KAYO!" Agad naman silang bumangon dahil sa sigaw ko. Napatawa pa ko dahil doon. Today, I choose to live.


"Ano bang bunganga yan Nikka." Iritang sabi ni Doreena. I choose to laugh.



Many days past. Naka graduate na kami. Hindi ko alam kung saang lupalop ng school na tinangay ang Fearless Princes pero nakita ko nalang ulit sila ngayon. Ni-hindi ko nga alam na pumapasok pa pala sila. Baka talagang umiiwas sila saamin.


"Congratulations to all of us!" Itinaas naming lahat ang juice at nag cheers. Nag celebrate kami sa bahay nila Anne. As usual. Dito na kami dumiretso at dahil nga graduation, nagkakasiyahan. Nandito rin ang parents namin. Hindi na namin kailangan lumabas pa kung saan. Sapat nang nandito kaming lahat.


"Woooh congratulations saatin!" Napatingin kaming lahat sa pinto kung saan lumabas si Alex papunta dito sa garden. Lahat kami natigilan dahil doon. Nasa likuran niya ang iba pang myembro ng Fearless Princes. Tanaw na tanaw ko mula sa kinatatayuan ko si Dexter.


"Xe.." Nilapitan ni Anne ang kanyang pinsan.


"En.. Sorry hindi ko alam na dito kayo." Tinignan ako ni Anne at parang kinakapa niya ang magiging reaksyon ko. I smiled at her to assure her na okay lang kahit nandito sila. Hindi ko mansyon ito at wala akong karapatan na pag bawalan sila rito tutal si Alex naman ang nag invite sakanila. Isa pa, ito na rin ang huling beses na makakasama ko sila.


"It's okay Anne. Join us Alex." Sinigurado ko na maayos ang ngiti ko. Yung tipong hindi nila mahahalata na hindi ako okay na nasa paligid sila. Dahan dahang humakbang si Alex at ganun din ang ibang Fearless Princes. Hindi ko alam kung bakit pero parang nagkakailangan na muli sila Anne at Mark.

Philophobia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon