Curse 4 - Differences

3.6K 61 16
                                    

Ren

"Shit." Bulong ko habang hinahawakan ang ulo ko.

Hindi pa man ako nakakabangon ay ramdam na ramdam ko na na parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko. Damn.

Wala akong maalala kagabi bukod sa halos sampung shots ng tequila ang nainom sa sa house party ng frat nina Skye.

Skye.

Skye.

There! I finally remebered!

"BABE!" sigaw ko sabay upo sa kinahihigaan ko.

Pero agad din naman akong napatigil nang napagtanto kong hindi ito ang unit ng boyfriend ako.

Asan ako?

Agad akong tumayo kahit na hilong-hilo pa ako para tingnan ang paligid. Hindi talaga familiar sakin 'to. Kaninong condo unit 'to?

Hindi kaya.. hindi kaya ay sumama ako sa isa sa mga frat guys kagabi dahil lasing na lasing na ako at dinala niya ako sa unit niya para pagsamantalahan?

Agad na napatingin ako sa suot ko pero mukhang hindi naman ako nagalaw dahil balot na balot parin ako.

Tiningnan ko ang hinigaan kong couch. Whoever owns this unit is not a gentleman! Halata naman kasi na lalaki ang nakatira dito dahil sa masculine na interior.

"Where the hell am I?!" Frustrated kong sigaw habang pinagsusuntok ang unan sa couch.

"Can you calm your shit down? Aga-aga, nangiistorbo." Agad akong napatigil sa kakasigaw at kakasuntok sa unan nang bigla nalang nagsalita si Chaos na mukhang kakagaling sa kwarto.

Tanging boxer shorts lang ang suot niya at napakagulo ng buhok niya.

"Where are your manners, Mister?! There's a girl in your unit and your walking with only that piece of cloth on?!"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Where are your manners, Miss? You became a pain in the ass. I let you sleep in my unit and now you're shouting at me?" Kalmado niyang tugon habang nilampasan lang ako at agad na nagtungo sa kusina.

Napaupo nalang ako sa couch. Naisahan ako ng hambog na yun ah?

Paano ako napunta sa unit niya? Ang alam ko talaga ay sa Zeus Towers ako pumunta kagabi, pumasok sa elevator at pinindot ang 5th floor.

5th? Teka! Nasa 4th floor lang ang unit ni Skye!

"Shit. Shit." Paulit-ulit kong mura. "Ang tanga tanga mo, Ren." Inis na inis akong napasabunot sa buhok ko.

I was too wasted last night at hindi ko na napansin na maling floor at maling unit ang nadramahan ko kagabi!

Peste. Bakit sa unit pa ni Chaos?! Mas tanggap ko pa kung ibang tao. Bakit sa lalaking ito pa?

"Stop cussing and get out of my unit. Okay ka na diba? You have the strength to even punch innocent pillows." Walang gana niyang tugon sakin nang bigla nalang siyang sumulpot sa tabi ko at kinuha ang dalawang unan sa couch niya at ang itim na blanket at pumasok ulit sa kwarto niya.

Aba! Di man lang niya ako pakakainin?!

"I won't leave!" Sigaw ko habang nagmartsa sunod sakanya at pumasok sa kwarto niya.

"What the hell, Serenity!" Sigaw niya.

So ayaw niyang nagpapapasok sa kwarto niya. Hindi ko nalang siya pinansin at tiningnan ang paligid.
Itim ang kulay ng walls niya at halos itim din ang mga furnitures, nagkalat sa sahig niya ang mga cords at game controllers na nakakabit pa sa flat screen tv niya. Tiningnan ko ang cork board sa taas ng mesa niya at nakita ang isang flier na may malaking NYU na nakalagay na natatanging naiiba sa mga game character na nakapaskil dun.

Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon