Ren's
I woke up feeling great! Its been two weeks since nung nagusap kami ni Skye. He told me that he loves me and I believe him.
He's just stressed and troubled kaya niya nagawang mag-cheat. But as his girlfriend ay kailangan kong maintindihan siya. I need to support him lalo na't kailangan niyang makatapos ng Accountancy dahil magl-law siya.
Mabilis naman akong naligo dahil may practice na naman ang dance troupe namin para sa sasalihan na Summer festival ng university.
Skye texted me na hindi siya makakapunta dahil may group study siya ngayon, may summer class kasi siya. That's why pa-practice ko muna yung group performance namin bago yung lyrical hiphop namin ni Skye.
"Have you seen my curling iron?"
"Sinong nagnakaw ng hand-outs ko?"
"God I was too wasted last night."
"Have you heard about this party tonight? Are you invited?"
"Dapat talaga sumama ako sa vacation ng parents ko."
Sari-saring ingay ang narinig ko pagkababa ko. Typical morning here at the Zeta house.
Yung ibang girls ay nasa labas na at nagj-jog, meron namang nag-aagawan na sa banyo, at meron ding payapang kumakain kagaya ni Amber.
"Good morning." Bati ko sakanya habang kinagatan ang papasubo na sana niyang pancake.
"What the hell, Ren."
I just chuckled habang kumukuha ng pinggan ko at nilagyan ng pancakes at bacon na nakahanda na sa mesa. Kinuhanan ko din si Amber para pamalit sa kinagatan ko.
"Sasama ka sakin?" Tanong ko nang maupo ako sa stool sa tabi niya.
"San ba punta mo ngayon? Work?"
Napasimangot na naman ako. Alam ni Amber na may trabaho ako pero hindi ko binanggit na sa isang underground arcade iyon, I also didn't tell her na incoming college student ang boss ko dahil nakakahiya naman na mas matanda ako ng isang taon. Hahahaahaha.
"Nah. Mamaya pa yung 4 eh. School ako, may practice."
Napangisi na naman siya. Alam ko yang mukhang yan. Crush na crush niya kasi yung mga lalaking dancers namin.
"Sure. Magbibihis lang ako after this."
Tumango naman ako saka tahimik lang na kumakain nang biglang sumulpot sa harap ko si Sierra na mukhang kakatapos lang mag-jogging.
"Sira na ang araw ko." Pagpaparinig niya sakin.
Tinaasan ko lang naman siya ng kilay. I still can't figure out why she hates me so much.
"Ano nalang kaya yung sakin?" Pagpaparinig ko rin sakanya habang tinitingnan si Amber na tila siya ang kausap ko.
Gusto kong matawa dahil nagulat pa si Amber. Takot kasi yan kay Sierra, porket isa siya sa pagpipilian para maging Zeta president next year.
Hindi na din naman sumagot si Sierra kasi umexit na siya matapos uminom ng orange juice.
Good. Kasi wala ako sa mood na makipag-away ngayon.
"Ano bang problema ng babaeng yan? Laki-laki ng galit sayo ha?"
Nagsimula nang magreklamo si Amber nang makaalis na ang impakta.
Nilamon ko na yung natitira kong pagkain bago siya sinagot. "Ganyan talaga pag insecure sa maganda." I winked at her.
Napairap naman si Amber sakin. "Lul."
BINABASA MO ANG
Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)
RomanceCastillo Series: III - Serenity's Curse to Chaos "We started as a mistake but that doesn't mean that we'll end up as a mistake."
