Curse 43 - Gift

4.2K 143 28
                                    

Last night was fun. We had a small gathering here in the Castillo residence, I get to meet Chaos' cousins and they are all so fun to be with. Medyo late na nga natapos ang gathering kagabi because they decided na mag-karaoke muna. Hindi naman ako sumali kasi baka ma-turn off sila sa boses ko. Hahahaha, but still sabay parin ako sakanila na late natulog because I was so busy playing with Chaos' little cousins and nephews. Ang cute nilang lahat ahhhh!

But because super late na nga, Chaos decided to stay the night here. It was my first time to sleep in his room in their house. Medyo nailang pa nga ako kagabi kasi nahihiya ako kina tita at tito but they were the ones who insisted na dito nalang kami matulog.

So I woke up very late. Medyo mahapdi pa yung mata ko when I opened it, masyadong maliwanag na sa labas. Chaos probably was so tired last night that he forgot to close the curtains. I turned to my side to look for him pero wala na siya sa tabi ko. Maaga ata siyang nagising, unlike me, Chaos is a very morning person. Kaya halos pikit-mata akong nagtungo sa CR to freshen up but guess what? It didn't help! Instead ay mas napahikab lang ako.

Para hindi na ako ma-tempt sa bed ay bumaba na ako, maybe I should help them out. In the kitchen, maybe? But then I remembered that I can't cook, I suck at it. Kaya siguro tutulong nalang ako sa pag-aayos ng mesa.

Pagkababa ko palang ay nakita ko na si Chaos na napadaan, he doesn't seem to notice me kasi nilagpasan niya lang ako. Kumunot ang noo ko dun. Inis ko siyang tinawag. "Chaos!"

Hindi niya ako nilingon, instead he went to the living room and sat at the couch before turning on the tv. Inis na inis ko siyang sinundan. Umupo ako sa tabi niya at hinampas siya. "Why are you ignoring me?!" 

Agad siyang napamura bago ako tiningnan. He blinked at me before laughing so hard. Anong problema ng lalaking to?

Dahil sa inis ay inambahan ko siya na sasapakin pero nahawakan na niya ang kamay ko bago ko pa magawa yun. "Calm down Ren." natatawa na naman siya. "I'm not Sander."

This time ako na naman yung napakurap sa harapan niya, kung pwede lang magpalamon sa lupa ay ginawa ko na. Kainis naman kasi eh! Dahil masyado akong inaantok ay nakalimutan kong may kakambal nga pala si Chaos. 

Tiningnan ko na naman tong mokong na ang laki-laki ng ngisi, inirapan ko nalang. Its not my fault that they are so identical, tapos yung itsura pa nila sa umaga parehong-pareho. Topless, naka-sweatpants, at magulo ang buhok. HOW CAN I DIFFERENTIATE, LADIES AND GENTLEMEN?

"Sorry naman." I pouted bago lumayo sakanya ng konti. Natatawa parin siya sakin habang umiiling. "Asan ba si Chaos?"

"Umalis saglit. Emergency meeting sa Pandemonium eh. Hindi ba nag-text sayo?"

Napailing naman ako. "I don't know, hindi ko pa nache-check yung phone ko eh." 

Pagkagising ko kasi agad na akong pumunta sa CR then bumaba na, I never get to check my phone.

"Ay okay." nakasimangot akong sumandal sa upuan habang nakikinood sa pinapanood niyang movie. 

"Miss mo agad?" he asked.

I sighed. Nah.

I was just disappointed kasi hindi man lang niya ako ginising. Hindi naman ata ako magagalit eh. Depende nalang sa kung paano niya ako gigisingin.

Medyo na-bored na naman ako sa pinapanood niya because of the continuous sound of gunshots. Action kasi 'tong pinapanood ni Cas and I am seriously not a fan. "Cas..." tawag ko ulit sakanya.

Tiningnan niya ako, eyebrows are slightly raised. 

"Are you okay?" 

Napakunot naman ang noo niya as if naguguluhan siya sa tanong ko. Matagal ko na kasi 'tong napapansin, hindi ko lang talaga alam kung kanino ako magtatanong, hindi naman ata ako aawayin ni Cas pag siya mismo ang tinanong ko right?

Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon