I made new book covers because I was bored. Hahaha.
Ren's
"Hmmm.. this seems so wrong."
Nakakunot ang noo ko habang tinititigan siya.
Of course, it is. Everything is so wrong after what you did!
"Babe can you help me out with this?" Hinarap niya sakin ang laptop niya at pinakita ang binabasa niya. "I don't get the point of this." Tinuro niya yung isang paragraph dun.
Yeah. Feel me? I also don't get your point on why you cheated on me... again! And now with a very useless human being.
"Hmmm.." I shrugged. "I don't know, I'm not as smart as you." Diniinan ko talaga yung smart para dama ng lalaking 'to.
Tiningnan niya ako ng matagal, pinanlakihan ko siya ng mata. I am so irritated! God Skye, alam kong minsan di mo ma-control control yang pagiging babaero mo pero di ko talaga maintindihan kung bakit si Sierra pa? Why?!
"Anong problema mo?" Bakas sa boses niya ang inis.
Kinagat niya ang labi niya, damn that mannerism!
Ugh. Galit ka Ren, galit!
"I don't know." I faked a laugh. "Ikaw? May problema ba?" I can't stop myself from laughing.
God, baliw ka na Serenity Janine Sah. Baliw na baliw na baliw ka na. Jusko.
He sighed and massaged his temples na parang problemadong-problemado siya. "Come on Serenity, I don't have time for this. I'm studying for a quiz and I can't handle your moodswings now. Wag kang sumabay please."
Hindi ko alam kung sang parte sa buong walangyang statement niya ang nakapang-init ng ulo ko pero feeling ko may puputok na ugat sa ulo ko dahil sa inis.
"Ah oo." Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa carpet niya. Inabot ko ang bag ko sa bag niya at inayos ang suot-suot kong university shirt. "Aalis na ako para mabawasan yang stress mo, kesa sa iba mo pa mailabas yang stress mo ako nalang ang lalabas." I groaned.
Tiningnan niya 'ko na parang takang-taka siya sa mga kinikilos ko. Di pa ba siya nasanay? Ganito naman kami lagi ah?
"Serenity..." tawag niya gamit ang napakalambing na boses niya na talaga namang nakakapanglinlang.
Huminga ako ng malalim.
Galit ka Serenity, galit!
"Bye." Dali-dali na akong nagmartsa papalabas ng kwarto niya dito sa Alpha house at pinagbagsakan siya ng pinto.
Binabati ako ng mga kakilala kong Alpha boys habang papalabas ako ng bahay nila pero masyado akong badtrip para pansinin sila.
Galit na galit ako lalo na pag naaalala ko yung itsura ni Sierra kaninang umaga.
"Good morning!"
Kakababa ko lang para sana mag-breakfast ay agad akong sinalubong ni Amber na ang lapad ng ngiti at mukhang kaka-jogging lang.
BINABASA MO ANG
Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)
RomanceCastillo Series: III - Serenity's Curse to Chaos "We started as a mistake but that doesn't mean that we'll end up as a mistake."