Curse 31 - Guilt

2.8K 102 54
                                        

After Chaos left the private room to answer Lucy's call ay agad na din akong sumunod sakanya palabas, the guys didn't notice that I left because they are so occupied by the already crying Debby and some of them are also drunk. 

I made my way through the crowd just to get out of here as soon as possible, making sure na hindi ko makakasalubong si Chaos. I don't want to have any interactions with him, I just can't. Kailangan ko nang masanay na wala nang Chaos na sasalo sakin sa buhay ko dahil alam kong pag nalaman niya ang tungkol sa dinadala ko ay malamang mawawala din siya.

Sino ba naman yung may gusto ng biglaang pagbabago sa buhay nila? Lalo na yung unplanned, wala diba? It is because everybody wants to live their lives according to what they planned, without totally minding that the universe is capable of messing everything up.

Agad akong nakahinga ng maluwag nang makasakay ako sa kotse ko, agad kong hinimas ang noo ko para maibsan yung sakit at chineck ang phone ko. It's already 9:00 PM and I'm very sleepy. Kaya bago paman ako tuluyang makatulog dito, agad na akong nag-drive pauwi kina dad. Wala na akong choice, masyadong malayo ang Zeta house dito at gustong-gusto ko na talagang makatulog. Hindi ko naman ata maaabala sina daddy dahil malamang tulog na sila ngayon at maaga namang aalis bukas.



Agad akong sinalubong ng kasambahay nang makita ang kotse ko sa labas. She offered me dinner pero umayaw ako dahil nandidiri ako sa ulam nila. I don't want to have Sinigang for today buti nalang ay may pagkain pa akong naiwan dito sa bag ko, ito nalang ang kakainin ko.

"May kailangan ka pa ba, Ma'am Ren?" Umiling lang ako bilang sagot sa katanungan niya. Agad na akong umakyat para pumanhik. 

Dali-dali na akong nagbihis ng simpleng tank top at pajamas, sumalampak sa couch ko dito sa kwarto. Kinuha ko ang tirang carbonara ko kaninang lunch at inubos yun. Alam kong hindi ito ang advised meal para sa mga buntis pero masyado na akong inaantok, ayoko din namang magluto. "Tiis ka lang muna ha?" I said while slightly patting my tummy. "Bukas kakain ako ng maayos for you, ngayon lang talaga 'to. Promise."

I smiled.

Kaya naman ata eh.

 Kaya ko naman sigurong buhayin ng mag-isa 'tong baby ko. Alam ko namang hindi ako yung magiging best mom in the world pero sapat naman siguro yung kagustuhan kong mapalaki siya ng maayos para mataguyod ko siya.

Ramdam na ramdam ko ang rebolusyon sa tiyan ko habang iniisip ko palang na magiging nanay na ako, na magkakaroon na ako ng anak. I never expected myself to have this kind of responsibility at such a young age. Tanggap ko na naman 'to eh, hindi ko lang maialis sakin yung takot at kaba knowing that I'm gonna be alone in facing this thing.







I woke up in the middle of the night because my phone is constantly ringing, who the hell is calling me at 3:00 in the morning? 

Pinilit kong makatulog pero patuloy parin na tumatawag ang kung sino mang istorbo na 'to. With my eyes half closed, I reached for my phone and answered the call without even looking who the damn caller was. "Hello?" Halatang inaantok pa ako sa boses ko.

"Did I wake you up?" My brows furrowed because of the man's voice. 

"What do you think, Chaos?" I rubbed the sleep from my eyes before turning on the bedside lamp. "Sorry, bigla ka kasing nawala kanina."

Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon