Curse 8 - Assume

2.9K 65 5
                                        


Ren's

Palalim na ang gabi but buhay na buhay parin kami. Pagod na pagod na ako sa kakasayaw kaya't nakaupo nalang ako sa couch katabi ni Chaos.

Yung braso niya ay nakapwesto sa sinasandalan ko at medyo nakahilig na ako sakanya. Wala naman masyadong nakakapansin dahil bukod sa lahat kami ay nakainom na ay wala namang may pake samin dito.

"Let's play truth or dare!" Pag-aaya ng babaeng pinsan ni Leon.

May ilang umaangal pero napapayag din naman kasi sasabihang KJ. Tiningnan ko ang katabi ko na pinaglalaruan ang hawak-hawak niyang shot glass. Mukha siyang bored habang tinitingnan ang paligid.

Tinagilid niya ang ulo niya at nagtama ang tingin namin. Tinaasan ko siya ng kilay, umiling lang naman siya habang nakalipbite.

Damn.

Nagsimula na ang laro. Inikot ni Amber ang bote at agad na tumapat ito kay Terrence, isa sa mga kaibigan ni Chaos.

Naghiyawan naman sina Cas at Cole habang humahalakhak si Terrence. "Hell I'll go with dare!" Nakangisi pa siya.

This guy is obviously wild and wants to have fun.

Napatingin naman kami kay Leon, dahil siya ang birthday boy ay siya ang mag-iisip ng itatanong o ipapagawa.

"Strip infront of Mariel." Halata ang pangaasar ni Leon sa boses niya habang tinuturo ang babaeng kaibigan din nila na nakaupo na medyo chinita at bagsak ang itim na buhok habang humahagikhik.

Matapang na tumayo si Terrence na may mayabang na ngisi sa labi.

"Gago." Napalingon ako sa katabi kong nakikitawa na rin.

Agad na nilapitan ni Terrence yung Mariel. Tinakpan ni Mariel ang bibig niya at tumatawa habang nasa tapat na niya si Terrence, nagtitigan muna silang dalawa bago hinubad ni Terrence ang suot niyang shirt without breaking eye contact.

Naghiyawan kaming lahat dahil sa katapangan ni Terrence kahit obvious naman sakanya na dakilang player siya at easy nalang sakanya ang mga ganto. Nakapagdagdag pa sa tawanan namin ang pag-inom ni Mariel ng straight sa tequila niya.

"Pupunta ka bukas?" Nabaling na naman ang atensyon ko kay Sander, his voice is already hoarse.

"Saan?" Napakunot ang noo ko.

"PDN." Tipid niyang sagot. Amoy na amoy ko ang pinaghalong mint at JD sa hininga niya.

Oo nga pala, bukas na yung event na inorganize namin na gaganapin sa PDN. Malamang ay magiging busy dun kaya't gusto ko ding makatulong.

I don't know why pero unti-unti na akong naging seryoso sa trabaho ko for him.

I nodded and he just smiled.

"Sander!"

Dahil sa sigaw ni Amber ay sabay kaming napalingon sakanya, di ko man lang namalayan na naglalaro na pala sila at ngayon ay natapat ang bote kay Sander.

Napaupo naman siya ng tuwid at mukhang game na game din.

Tiningnan namin si Leon na ngayon ay nakatitig sakin. Oh no. Alam ko kung anong iniisip ng hayop na 'to, idadamay na naman ako neto.

"Do a bodyshot with Ren... do it sa tummy niya." Simpleng tugon niya.

Ang lakas ng hiyawan ng table namin, nakikita ko pa ang paghahampas nina Cole at Terrence sa mesa, at ang kantsyaw nila.

Marahang napamura si Sander. Tiningnan niya ako. "Is it okay with you?" Tanong niya. "Because if you don't want to I can just take a shot."

I bit my lower lip. Why do I feel offended by that? Ugh. Whatever! I'm Serenity Janine Del Torre Sah and I am game for anything.

Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon