Nakatayo parin ako sa may pintuan ng kwarto ni Chaos sa bahay nila habang tinititigan si Psyche na inaaliw nina Tita at Tito.
Hindi ko parin mapigilang hindi mag-alala, this would be the first time that I'm gonna be away from her. Pero kailangan eh. Chaos was invited to join a convention sa isang resort, so he thought na mas maganda kung hahabol ako dun para naman may vacation ako.
Alam daw kasi niya na stressed ako sa café at pagbabantay kay Psyche. The bad thing about our vacation is hindi pa namin pwedeng maisama si Psyche. And now I'm all paranoid.
"Don't worry Ren, we'll take very good care of Psyche." Tito Nathan assured me. "Wala ka bang tiwala samin?" Ani Tita Aleena.
Mabilis naman akong napailing. "Hindi po." Umiiling parin ako. "Hindi po sa ganun. Pero first time po kasi na maghihiwalay kami ng matagal." I sighed.
Sabay na natawa ang mag asawa. "Natural lang yan for a mother." Tita Aleena said. "But don't worry about it. Kami ang bahala kay Psyche, you two kids enjoy your vacation."
"Hon aren't they too old to be called kids?" Singit ni tito dahilan para matawa kami ni Tita. Nakatanggap tuloy ng hampas si tito mula sakanya.
Ang cute lang talaga ng parents ni Chaos. I wish na sana sa pagtanda namin ni Chaos ay kagaya din namin sila.
I checked my phone and saw that it was almost 8:30 in the morning. Nilapitan ko na si Psyche at kinarga bago hinalikan ang noo. "Behave ka baby ha?" She just giggled. I kissed both of her cheeks. "I'll miss you." I pouted.
Medyo malayo pala ang resort kung san hineld ang convention nina Chaos. Kuya Tony, their family driver told me na mga 5 hours and biyahe papunta dun. Depende pa kung ma-traffic dahil baka mas matagalan pa kami.
Sinuot ko na ang earphones ko at nakinig ng music para naman hindi ako ma-bored. Hindi ko kasi type yung music ni Kuya Tony hahaha. "Kuya drive-thru tayo mamaya sa Jollibee ha? Para naman makakain tayo ng lunch."
He nodded. "Sige po ma'am."
I grabbed my phone and immediately texted Chaos. Nakalimutan ko kasing mag-reply sakanya nung nagsimula na kaming bumiyahe.
"Still got four hours and thirty minutes." I sighed bago pinikit ang mata ko. Kailangan kong matulog para pigilan ang sarili kong tawagan si Tita Aleena para macheck si Psyche.
***
Inabot kami ng alas dos bago nakarating sa resort. Medyo ma-traffic kasi yun dinaanan namin. Agad kong nakita si Chaos sa parking lot at hinihintay kami. He waved his hand at the direction of the car when he saw it. Bumusina din si Kuya Tony.
I immediately smiled when I saw him. Masyado ata akong nag-alala kay Psyche that I forgot na namimiss ko nga pala si Chaos.
"Mukhang miss na miss kayo ma'am ah." Pangaasar ni Kuya Tony habang pinapark niya ng maayos ang kotse. "Hindi naman ako sinasalubong ni Sir Nathaniel dati eh."
Natawa tuloy ako dahil dun. "Namiss ka niyan kuya." Biro ko.
Nang maayos na ang pagkakapark ng kotse ay kinuha ko na ang hand bag ko at dali-daling bumaba ng kotse. Hindi na nga nagawa ni Chaos na pagbuksan ako ng pinto dahil sa pagmamadali ko.
I immediately ran to him and hugged him so tight. Tumawa naman siya bago hinalikan ang noo ko at niyakap ako pabalik. "Hey." He said, slightly laughing.
BINABASA MO ANG
Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)
RomanceCastillo Series: III - Serenity's Curse to Chaos "We started as a mistake but that doesn't mean that we'll end up as a mistake."