Curse 36 - Better

3.3K 104 37
                                    

Nanginginig ako habang pinapark ni Chaos ang kotse niya sa bahay nila. Ramdam ko na parang hindi na ako humihinga habang tinitingnan ang bahay nila.

This is my first time going to their house, and I am definitely not expecting to be here because I'm pregnant with a Castillo.

"Mom and dad are on their way." Sabi niya habang pinapatay ang engine. I sighed. "Hihintayin natin sila?" He just nodded.

Hindi ko ginustong mangyari 'to pero hindi ko din sinisisi si Chaos kung ito ang gusto niyang mangyari. Pero kung papipiliin ako ay mas hihilingin kong mangyari yung pinaplano ko. I want things that way para naman hindi ganun kalaki ang damage.

Tinitingnan ko ang bahay nila habang nasa labas pa kami, may kausap kasi si Chaos sa phone. Their house is more homey than dad's. The structure of their house is kinda vintage but the color palette is modern. I love the combination of it. Malawak rin ang garden nila at may maliit na pool sa gilid. I can imagine Chaos and Cas swimming there when they were younger.

"Let's go inside?" I looked at Chaos that is holding my arm. I just smiled a little and nodded. "Tara."

Nginitian din niya ako. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Chaos ngayon pero kagaya ko ay halatang-halata sakanya na pagod na pagod siya.

Is this what he really wanted? Or is this the thing that he thinks is the right thing to do?

Magkaibang-magkaiba kasi yung dalawang bagay na yun. Yung una kasi, yun talaga ang kagustuhan niya, yun ang gusto niyang mangyari. Pero kung tingin lang niya na dahil iyon ang tama at hindi dahil gusto niya ay mas mabuting wag nalang. Ayoko kasi na ginagawa niya ito dahil lang sa awa. Ayoko ng awa niya, ayoko ng awa ng kahit sino.

Kaya ko naman ang sarili ko eh, kakayanin ko.

Pagpasok palang namin sa bahay ay agad kong nakita si Cas na nakaupo sa sofa. Nakasuot siya ng cargo shorts at itim na shirt habang nanonood ng tv. Agad siyang tumayo nang makita kaming papasok. "Sander... Ren..." he said.

Tumango lang si Chaos bilang sagot. "Hello Cas." I greeted back.

Nginitian niya ako. "Parating na sina mommy." Tiningnan niya ang kakambal niya. "May pagkain na hinanda sina manang sa kusina, kumain muna kayo." He told him.

From the way Cas spoke to Chaos feeling ko ay mas nakakatanda siya. Napaisip tuloy ako kung anong feeling na may kakambal ka pero mas nakakatanda siya sayo.

"Are you hungry?" Tiningnan ako ni Chaos. Tiningnan ko lang ang hawak-hawak niyang pizza box, dahilan para matawa siya. "Of course." He chuckled.

Hinawakan niya ang kamay ko and led me to their dining area.

"I thought na sa abroad ka nag-aaral." I looked at Chaos' mom, Ma'am Aleena. Nagtaka naman ako, sino namang nagsabi sakanya na sa abroad ako nag-aaral? "Your ate, Reverie, told us when we were having a meeting." She smiled at me.

I gave her a half smile. Kaya naman pala. Si Rev pala ang may sabi. Parati talaga nilang ginagawa yun, they keep on hiding my identity.

Tiningnan ko si Chaos at nakita ko na nag-aalala siya. Malamang ay alam niyang ayoko na pinaguusapan ang pamilya ko.

"Ah hindi po." I chuckled.

She smiled. I thought na magiging heavy ang paguusap namin ngayon pero mukhang hindi naman, dahil natapos namin ang dinner ng walang tension.

Tahimik parin sina Sir Nathan at Cas, si Ma'am Aleena lang ang nakikipagusap habang si Chaos naman ay sumasagot lang pag tinatanong. "Nath..." sabay kaming napatingin ni Chaos sa tatay niya. "Pwedeng makausap muna namin si Ren?"
Nanlaki ang mata ko. Don't tell me kami lang tatlo ng nanay at tatay ni Chaos ang maiiwan dito? Oh god baka magsimula na silang magtanong kung bakit napaka-distant ko sa pamilya ko, o kung paano kami nagkakilala ni Chaos, or worst ay kung bakit ko sinira ang buhay ng anak nila?

Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon