Curse 29 - Signs

3.1K 100 41
                                        

I remember when I was younger and dad first introduced Annelize to us, Rev was freaking out dahil ayaw niyang mapalitan si mommy. Ganun din yung nararamdaman ko pero hindi ako nagwala kagaya ng ate ko. I just stared at dad and Annelize habang kumakain kami over dinner. Hindi naman talaga ako gaanong nagsasalita, especially if my dad and sister is around because I feel like ayaw naman talaga nila akong makausap.

Annelize was good to us, especially to Rev. Ginagawa niya ang lahat para makuha ang loob namin hanggang sa nagkasundo nga sila but we never did. Rev started to tell Annelize about how I killed mom, halatang sinisiraan ako ng kapatid ko. Maybe because Annelize didn't wanna lose the chance of being close to Victor Sah's first born and because she's a natural bitch ay bigla nalang nag-iba ang ihip ng hangin para saming dalawa. She became mean and insensitive, even when dad is around. 

Mas nadagdagan lang yung mga taong hindi ako gusto dahil lang sa namatay si mommy para mabuhay ako. They call me names and judge me, they treat me like a stranger and stop caring about me. All because of a sin that I didn't mean to commit.

I really don't know why people always tend to judge me immediately without even knowing me. Wala naman akong ginagawang masama para ikagalit nila pero ayun parin, may masasabi sila. Pag hinayaan ko naman ganun parin, may masasabi at masasabi sila.

Tila bumalik ako nung mga panahon na bigla nalang nag-iba ang turing sakin ni Annelize, ngayon mismo dito sa harap ni Sierra.

I stared blankly at her, nagpaalam na siya samin ni Chaos at bumalik sa mga kaibigan niya pero halatang ako ang pinaguusapan nila because from time to time ay nahuhuli ko silang nakatingin sakin habang tumatawa.

Pagod na akong makipag-away pa kasi wala din namang magbabago. Babalik ba sakin si Skye? No. Magbabago ba ang tingin nila sakin? Hindi. Mababalik ko ba si mommy? Mas lalong hindi.

"Is she still bothering you?"

Tiningnan ko si Chaos, nakatingin din siya kay Sierra. Nginitian ko siya. "Hindi na kami nag-aabot niyan, wala na akong pake." simple kong sagot.

He lick his lower lip and rubbed his temples, hinubad din niya ang suot-suot niyang eyeglasses. Tumayo na siya kaya hindi ko na siya tiningnan, pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko. Akala ko aalis siya papuntang CR pero nabigla ako ng hinawakan niya ang kamay ko, agad akong napatingin sakanya. 

"Let's go." he said, kinakapa niya sa bulsa niya ang susi ng kotse niya.

"Saan tayo pupunta?" 

Hindi na siya sumagot at tiningnan lang niya ang relo niya. "Dinner. I'm hungry and the pizza is not helping." he pouted.

I swear Cassander Nathaniel Castillo, the King Chaos pouted! 

I can't hide my smile while grabbing my handbag at sinundan siya palabas ng Pandemonium, I know that Sierra and the others are still looking but I don't care about it anymore. I can't do anything to change the way they see me. 

Sanay na ako sa mga ganito but it doesn't mean that I'm okay with it.


***

After a few weeks, PDN is temporarily closed. Nasa Tagaytay ang tatlong pugo dahil ngayon ang presentation nila sa dinevelop nilang online game. It is kinda like a meeting between them and a well-known game deveoper and publisher, may mga competitors ang PDN sa paggawa ng game. Tapos pagpipilian naman nung developer kung alin sa mga yun ang ila-launch nila. 

Bukod sa malaking halaga ng pera ay fame at exposure din ang makukuha nila. I can't help but be proud of the three of them.

Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon