Curse 32 - Bothering

3K 105 51
                                    

After leaving the establishment, I immediately went to Zeta. Natulog na ako agad without even checking my phone, buti nalang talaga at nakasilent yun kasi malamang hindi na naman ako papatulugin kung sakaling nagt-text o tumatawag si Chaos sakin.

Madali lang naman akong nakagawa ng excuse para kay Chaos para mapaliwanag kung bakit ako bigla nalang umalis nun, sinabi ko lang sakanya na masama yung pakiramdam ko. Alam kong hindi siya masyadong convinced pero atleast hindi na niya ako kinulit pa, sigurado din akong makakalimutan din niya yun.

I am now at work, oo pumapasok parin ako sa PDN. Ayoko kasing maghinala sila kung bibiglain ko nalang yung balak kong magpakalayo-layo. I just made sure that I won't be so stressed while working para less hassle sa condition ko. At mukha namang hindi talaga ako mas-stressed kasi wala naman masyadong tinatrabaho dito sa taas, yung tatlo lang talaga yung abala dun sa baba.

Huminga ako ng malalim habang nakasandal dito sa railings ng loft at tinitingnan ang kasiyahan sa baba, maraming gamers ang dumayo sa arcade ngayong gabi that's why this place is jam-packed. "I'm gonna miss this place." I finally admit in myself while scanning my eyes through the crowd. 

Hindi ko naman made-deny na ang Pandemonium ay isa sa mga naka-witness ng maturity ko. In a span of almost three months, hindi man masyadong halata ay ramdam ko na ang laki ng pinagbago ko. This place witnessed my ups and downs, my happiness and sorrows, and too bad I'm gonna leave soon. I'm gonna disappear.

"Hey..." tiningnan ko ang tumabi sakin, nginitian ko ng pilit si Chaos. "Dinner muna tayo, nag-aya sina Dax at Zeke." he said.

I bit my lower lip, kinda feeling hesitant but I guess hindi naman ata ako sinusumpong ng pagiging picky ko sa pagkain dahil kaninang umaga hindi naman ako nag inarte nung spam and eggs yung nakahain na breakfast sa Zeta. "Sige." Pinusod ko muna yung buhok ko. "I'll just go get my bag."

Akamang maglalakad na ako pabalik sa table niya nang inunahan niya ako. "No, I'll go get it. May kukunin din ako dun. You go downstairs, they're waiting." he said bago ako tinalikuran.

Dahil wala naman akong choice ay bumaba na ako, at talagang andun nga sina Dax at Zeke sa paanan ng hagdan, tila may pinaguusapan silang nakakatawa kasi tuwang-tuwa yung mga mukha nila. Agad din naman silang napahinto nang makita akong pababa na. "Uy Ren!" bati ni Zeke.

"Bakit nakabusangot ka?" kunot-noong tanong ni Daxton nang makalapit ako sakanila. I gave him a look. "Anong nakabusangot ang pinagsasabi mo diyan?" reklamo ko.

Nagkatinginan silang dalawa ni Zeke at sabay na nagtawanan. "Yan! Yan" tinuturo pa nila ako. "Yang mukhang yan!"

"Badtrip ka? What did Chaos do to you?" natatawa parin si Zeke. 

"Baka naman kasi naiinis dahil ilang araw nalang aalis na si Chaos." pangaasar sakin ni Dax habang kinukurot ang pisngi ko. "Ano ba?!" reklamo ko habang hinahampas ang braso niya.

Tumawa lang naman sila ni Zeke habang ako ay inis na inis na. Bakit ba ang kukulit ng mga 'to?

Dahil sa inis ay talagang nakasimangot ako habang hinihintay na makababa si Chaos habang yung dalawa ay patuloy parin akong inaasar. Ang sama-sama na ng tingin ko nang may naramdaman akong kamay na lumapat sa balikat ko. "Let's go?" ang boses lang ni Chaos ang nagpahinto ng tawanan ng dalawa.

Tiningnan ko lang si Chaos at binalik ang tingin sa dalawa saka inirapan. Nauna na akong maglakad at hinayaan silang tatlo dun. Bahala sila, nakakainis sila. 

"Anong problema nun?" rinig kong tanong ni Chaos.

"That's what we're wondering about too."

"Mamimiss ka kasi nun."

Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon