Waiting for Chaos in the morning to go to work while I just stay in bed is very stressful for me. Tingin ko kasi ay napaka-walang silbi ko pag si Chaos na nga yung nagt-trabaho tapos siya na rin yung nagluluto ng pagkain para sa aming dalawa.
That's why even if I suck at cooking, I woke up earlier than him today to cook some breakfast for the both of us.
Rinig na rinig ko pa ang mahihinang hilik ni Chaos nang magising ako ng 6:00 AM. He is sleeping so soundly because he slept late last night just to finish something in the new game the they are launching very soon. Matapos kong maghilamos sa banyo ay mabilis kong tinungo ang kusina at nagsimulang maghanap ng pwedeng maluto.
I am obviously not an expert in the kitchen, ang kaya ko lang gawin ay ang pagprito kaya agad kong kinuha ang box ng pre-mixed pancakes at sinimulan nang sundin kung ano yung sinasabi sa instructions.
Hindi naman ako nahirapan sa pagluluto. Yung unang batch lang talaga yung palpak kasi nakalimutan kong lagyan ng butter yung pan. But most of them were good...looking. Good-looking.
"You're up early."
Agad kong nilingon ang likod ko and saw Chaos still in his boxers, topless, and bed hair while wearing his reading glasses. Napahikab pa siya habang tinitingnan ako, he seems so amused of what he saw.
Nahihiya kong tinuro yung pang-apat na taong mesa niya kung nasan nakahain ang mga niluto kong pancake. "I cooked breakfast." I said in a small voice. Nagsimula na rin akong magsalin ng kape sa mug niya.
He just smiled at me. Agad siyang naglakad palapit sa ref at kinuha ang box ng freshmilk at sinalinna narin sa mug ko. "Dapat ginising mo nalang ako."
Agad naman akong sumimangot dahil sa sinabi niya.
Isang thank you, okay na ako dun! Alam kong hindi ako magaling magluto but atleast I tried!
Nagdadabog talaga ako habang umuupo sa pwesto ko sa dining table. Nakasimangot lang ako habang kumukuha ng sarili kong pancake at hindi pinansin ang pag-abot sakin ni Chaos ng maple syrup. Instead, tumayo ako ulit at nagsimulang magkalkal sa ref niya ng nutella at strawberry jam para yun ang ilagay sa pancakes ko.
He was just silently observing me while I spread the nutella and jam on my pancakes, tiningnan ko siya saglit bago inirapan. I shoved a mouthful of pancakes in my mouth without minding his presence.
I heard him chuckle. "I really appreciate that you cooked breakfast for me, thank you baby." He said.
Tiningnan ko lang siya bago ulit sumubo. But I was really trying to hide my smile. He already said thank you which only means that he appreciate what I did for him kahit na ang crappy ng cooking skills ko.
Kasalukuyang nagbibihis si Chaos. May trabaho na naman sila sa PDN, masyado na silang magiging busy ngayon dahil kasalukuyan na ring rinerenovate ang lilipatan nilang office for their own gaming company, ang PDN Gaming Inc.
Minsan naiisip ko parin kung paano niya nagagawang maging ganito ka-successful at 20? Yung ibang kaedad niya baka iniisip at namomoblema pa kung anong gagawin nila sa buhay nila. Pero si Chaos, ibang-iba siya eh.
Nakaupo lang ako dito sa bed namin nang lumabas siya galing sa banyo na bihis na bihis na. "I'll be back by 6:00." he said. Umupo siya sa tabi ko at nagsuot ng medyas. Tumatango-tango lang naman ako.
Matapos niyang magsapatos ay tumayo na siya at kinuha ang bag sa gilid ng bed namin. Inakbayan niya ako at sabay kaming naglakad palabas ng kwarto namin. "I better get going, baby." he said.
BINABASA MO ANG
Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)
RomanceCastillo Series: III - Serenity's Curse to Chaos "We started as a mistake but that doesn't mean that we'll end up as a mistake."
