Alas-diyes ng umaga ang flight namin ni Chaos papuntang China, kung saan andun yung flight namin papuntang New York.
Hindi ko alam kung paano niya ako napapayag dahil alam na alam ko talaga na masamang idea ang pumuntang New York para sabihin kay Lucy na ikakasal na kaming dalawa. But I just found myself saying 'yes' to him.
And now here we are. Waiting for our flight kasi hindi daw kami pwedeng mahatid ng daddy niya. I should feel safe kasi yung eroplano naman nila from their airlines ang sasakyan namin pero hindi eh, hindi mabawasan ang nerbyos sa katawan ko.
"Are you okay?" I looked at Chaos. Nakaupo siya sa gilid ko, he is wearing his glasses habang may tinitingnan sa ipad niya, it was like some codes that I'll never understand (basta ang alam ko lang ay may kinalaman iyon sa mga dinedevelop nilang games). "Yes." I answered. Tiningnan niya ako saglit bago nginitian.
I bit my lower lip bago napanguso. Binaling ko nalang ang atensyon sa ipad ko rin at nagsimulang maglaro ng games. I am trying to distract myself from overthinking kasi mababaliw talaga ako. Bakit nga ba ulit ako pumayag na sumama dito? My god! I don't know!
Ang sabi lang ni Chaos ay kailangan niyang makausap si Lucy. He needs to explain to her our situation now and to convince her to continue to live her life, na hindi raw si Chaos ang magiging dead end niya. Kailangan din daw niyang mag sorry sa parents at kuya niya dahil pinaasa niya si Lucy. Now ano ang magiging role ko dun? Bakit kailangang andun ako? Hindi ba mas magiging masakit yun para kay Lucy at sa pamilya niya?
Yan. Yan kasi Serenity, di ka nag-iisip. Tuwing nab-blanko ka, oo ka lang ng oo. Yan tuloy.
Tinawag na kami para mag-board na at dumiretso sa eroplano, si Chaos ang gumawa ng lahat ng kailangang gawin habang ako'y parang bata lang na nakabuntot sakanya. The attendants are very attentive and kind to us, or siguro lang dahil anak ng boss nila ang kasama ko. From time to time ay tinatanong kami kung may kailangan ba kami, and I find it annoying but this guy beside me seems to be enjoying the attention dahil siya itong hingi ng hingi. "Can you give her a blanket?", "Give her a glass of milk.", "Do you want some snacks, Ren? Give her some."
My god! Nababaliw na ako dito. Ewan ko kung bakit inis na inis ako. Dahil ba sa annoying na waitress? O kay Chaos na hingi ng hingi para sakin? O dahil buntis ako? 😭
Naiiyak na ako, gustong-gusto ko nang magbasag ng bintana dito sabay talon pababa. Feeling ko hindi naman talaga ako dapat pumuntang New York eh. Kainis naman 'to!
"Serenity..." nilingon ko si Chaos nang hinawakan niya ang braso ko. Punong-puno ng pag-aalala ang mukha niya habang tinitingnan ako.
If its not because of him wiping his thumb on my cheek ay hindi ko talaga mapapansin na umiiyak na talaga ako. Seriously Ren? Seriously?
Nilayo ko ang mukha ko sakanya at ako na mismo ang nagpunas ng luha ko. "Okay lang ako." I said in a small voice.
Pero mukhang hindi nakuntento si Chaos because he held my arm and pulled me closer to him. Kung hindi lang dahil sa harang sa pagitan naming dalawa ay malamang niyayakap na niya ako. He is brushing his fingers along my hair while his nose is slightly pressed on my temples. "I'm sorry." Bulong niya na parang alam niya kung anong bumabagabag sakin. I pouted and sighed. "Hindi na dapat kita pinilit kung ayaw mo naman."
Napapikit nalang ako. "Wala na tayong magagawa, we're already flying. Alangan namang itulak mo pa ko dito. Duuuuh."
Bahagya siyang natawa. Lumayo siya saglit para tingnan ako, his lips is now formed into an amused smile. "You are one heck of a moody woman." Napailing nalang siya.
BINABASA MO ANG
Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)
RomansaCastillo Series: III - Serenity's Curse to Chaos "We started as a mistake but that doesn't mean that we'll end up as a mistake."