"The baby's healthy." Nakangiting tugon ni doc habang kinakausap ako. Nakahiga ako sa bed sa hiwalay na kwarto ng clinic niya habang siya naman ay patuloy na ginagalaw ang stick sa tiyan ko para makita ni Chaos ang ultrasound.
Hindi ko malaman kung anong iniisip ni Chaos. He keeps on staring at the monitor. "When will we know the gender of the baby?" he asked, eyes are not leaving on the screen.
Nakaupo nalang ako sa bed at tinitingnan siya, actually siya talaga yung nagtatanong kay doc ng tungkol sa baby, sa kundisyon ko, kung ano pang kakailanganin ko. Gulat parin ako na andito siya, hindi pa kasi kami naguusap simula nang dumating siya dito. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na dito ako nagpapa-check up at may schedule ako ngayon pero hindi rin naman ako nag-iinarte, in fact I am happy.
"After less than four months ay malalaman na ang gender ng anak niyo, Mr. Castillo."
Tiningnan ako ni Chaos at nginitian, masyado akong overwhelmed sa nangyayari kaya hindi ko magawang makangiti pabalik. Hindi rin mawala sakin ang takot sa mga susunod na mangyayari. Bukas na ang alis niya papuntang New York, is this his way of saying goodbye?
Marami pang binilin at sinabi si doctora, hindi ako nakinig ng maayos sa mga sinasabi niya dahil masyado akong abala sa pago-overthink. Marami akong iniisip at pinoproblema, ni hindi ko nga alam kung alin dun ang uunahin ko. Hindi ko magawang maisa-isa.
"Basta yung vitamins at healthy foods, wag mong kakalimutan. Wag ka ding magpapa-stress at magpapagod. Okay?" yun lang ang tanging naintindihan ko sa mga sinabi ni doctora, sila lang kasi ni Chaos ang halos naguusap.
I nodded. "Opo."
Nakatingin lang siya sakin habang kumakain ako, pagkatapos ng check up ay agad siyang nag-aya na kumain muna kami. Hindi rin ako makatanggi dahil ramdam ko na marami pa akong kailangang ipaliwanag sakanya. I feel like he deserves answers.
"Ah..." inangat ko ang tingin ko sakanya saka pinunasan ang bibig ko after eating some pasta. "How did you-"
"Hindi na importante yun." he said, kinakabahan ako sa lamig ng boses niya. Hindi ko magawang tingnan siya sa mata. "Serenity..." he called me.
Ayaw ko man ay inangat ko parin ang tingin sakanya. "When did you found out about it?" he looks so frustrated, halatang-halata sa itsura at boses niya.
I know that Chaos is obviously not a bright person but he's also not this gloomy guy. And again I can't help but blame myself because of it. "Nung one month na siya..." I said in a small voice, my eyes can't focus on him.
I kinda hate the feeling that I am feeling right now, yung mata ko ay nakatuon sa drink niya. It is just a normal milkshake but I can't help but drool over it even if we're in a middle of a serious conversation. Napansin niya atang kanina pa ako nakatitig dun dahil inabot niya sakin ang milkshake niyang konti palang ang naiinom mula dito. "Do you want some?" I looked at him, an amused look is all over his face.
Nahihiya akong tumango. Baby naman eh, pinapahiya mo talaga ako! Wala nang arte-arte ay kinuha ko na yung milkshake niya at ininuman yun, to be fair naman ay inabot ko sakanya yung inorder kong iced tea kanina. "Here." I said.
With the same amused look on his face ay kinuha niya rin yun at saka ininuman. Hiyang-hiya man ako ay hindi parin matatago sakin ang tuwa. I don't know what has gotten into me at tuwang-tuwa talaga ako pag nasa-satisfy ang cravings ko.
"That means the baby is almost two months now?" tanong niya sakin.
I nodded.
"Bakit hindi mo sinabi sakin agad? Are you trying to keep this a secret from me?" his tone is much firmer now, hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Wala din akong magawa kundi ang umiwas lang ng tingin, I am guilty. Very guilty.
BINABASA MO ANG
Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)
RomanceCastillo Series: III - Serenity's Curse to Chaos "We started as a mistake but that doesn't mean that we'll end up as a mistake."
