Nagising ako dahil sa sakit ng ulo. I groaned while I turn to my side at pinilit na pumikit ulit.
"Curse this hangover." Hinimas-himas ko pa ang ulo ko.
Niyakap ko ang unan sa gilid ko nang bigla nalang may nagsalita.
"You okay?"
Agad akong napamulat at tiningnan ang nagmamay-ari ng boses na yun. I saw Chaos wearing a plain white shirt and boxers standing near the door.
Agad na kumunot ang noo ko.
What? How can this guy be here?
Tiningnan ko ang paligid ko at agad kong nakilala ang kwartong ito. This is not my room! This is Chaos'.
"Paano ako napunta dito?! Bakit ikaw ang kasama ko?! Where is Skye?! Hinahanap na ako ni Amber!"
Halos magkandahulog-hulog na ako sa kama niya dahil sa pagmamadali ko, buti nalang ay suot ko pa ang damit ko kagabi. There's no time for me to gross out.
Tiningnan ko siya at mukhang nagtataka siya sa inaasta ko.
Oo hinahanap ko ang boyfriend ko because I saw him last night! Siya ang nag alaga sakin kagabi, I saw how he smiled at me while wiping my face. I remember his kiss on my forehead.. I remember everything, unless...
Tinuro ko siya. "Ikaw ang nag-alaga sakin kagabi?!"
He raised an eyebrow. "Sino pa ba?"
Umiiling-iling na ako like I'm a complete idiot. "No... no. Si Skye yung nakita ko kagabi. He's with me last night!"
"May nakikita ka bang Skye dito? Wala diba?! You must have been hallucinating because you're so drunk last night."
I closed my eyes. Hindi ko alam kung bakit naluluha na naman ako, I really hate how I became so emotional lately. It is so not me.
Wala si Skye.
Hindi totoo ang nakita ko kagabi. It must have been Chaos that I saw but I was imagining Skye because all this time I am still so inlove with him despite of how much I say that I hate him and I'll seek for revenge because of cheating on me.
Minsan talaga kahit ano pang gawin mong pagmamatigas, handa ka paring magpakatanga dahil nga mahal mo ang isang tao.
"Thank you for taking care of me." I said politely. "And sorry kung nasigawan kita."
Mukha namang kumalma din ang aura niya dahil pinababa ko na ang pride ko. Ayaw ko na kasi na hindi kami nagkakaintindihan ng kurimaw na 'to.
Miss ko na din eh.
"Himala ah." He chuckled.
I rolled my eyes at him. "Ayaw mo, 'di wag."
"Calm down, Serenity. Kakabati lang natin. Are you hungry? I cooked breakfast."
Dahil narin binanggit niya na rin ay bigla ko nalang naramdaman na nagugutom na pala ako.
Agad ko na siyang sinundan sa kusina, at nagsimula na kaming kumain ng breakfast.
***
I decided not to go to work today because I feel so drained kahit kakagising ko lang. Niyakap ko pa ng mas mahigpit ang unan ko at kinumutan ang sarili ko.
"Lalagnatin siguro ako." Namamalat parin ang boses ko.
I looked at the clock on my bedside table. Alas-diyes na pala, late na akong nagising dahil ang dami pa naming pinagusapan ni Amber kagabi plus nanood pa kami ng movies habang inuubos ang dalawang tub ng ice cream.
BINABASA MO ANG
Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)
RomanceCastillo Series: III - Serenity's Curse to Chaos "We started as a mistake but that doesn't mean that we'll end up as a mistake."
