"One month nalang and I'll meet you already." I whispered at myself while slowly running a finger on my tummy.
Malaki na ang tiyan ko dahil next month na ako magl-labor. I'm gonna meet my Psyche Iridescent soon. Yes. Chaos and I decided to name her Psyche Iridescent and I find it cute and I think it suits our daughter very well.
"I love you so much, Psyche." I whispered again. "Will you be as smart as your daddy? O baka kagaya ka rin sakin na magiging pasaway?" I chuckled.
Para na akong baliw dito sa kwarto habang kinakausap ang sarili ko. Maaga kasi ang pasok ni Chaos sa school ngayon kaya hindi na naman siya inabutan nang magising ako. I already ate the breakfast that he prepared for me. Masyado na akong bored sa mga TV series or movies kaya ang baby ko na naman ang kinakausap ko.
Maya-maya ay bibisita si Amber after her class, hanggang 12:00 PM lang kasi siya today that's why she offered to bring me food. Parati naman akong binibisita eh kaya hindi ako masyadong loner habang may pasok si Chaos. Minsan ay si Debby, minsan si Tita Aleena, minsan ay sina Amethyst at Diamond, but most of the time ay si Amber. Sinasamahan nila ako para naman hindi ako malungkot and also to monitor my condition. Malapit na akong manganak, mas mabuti kung may kasama ako at all times.
Dahil nga sa bored ako ay napagisipan kong magligpit muna ng kwarto. Don't worry! Hindi naman yung super nakakapagod, aayusin at i-oorganize ko nalang ang study desk ni Chaos.
Nakangiti lang ako habang tinitingnan ang mga sketches niya katabi ng sinolve niyang problem for statistics na nasa scratch paper niya. Minsan talaga napapangiti nalang ako pag naiisip ko na kahit ano pang mature ang dating ni Chaos ay hindi parin mawala sakanya na maging bata. I love how never lose the child within him. Ako kasi kahit sabihin nating immature akong tao, I never had fun when I was a kid kaya ngayong 21 na ako ay hindi ko na naiisip na ang sarap palang maaliw na parang isang bata. Ewan. Siguro kasi wala naman akong magandang childhood memory na pwedeng ma-relive.
Kasalukuyan kong inaayos ang mga action figures ng game characters niya sa shelf sa taas ng study table when I saw his highschool yearbook. Akala ko wala to dito kasi halos lahat ng laman ng shelf niya ay novels o di kaya ay mga notebooks niya na may lamang game notes.
Suddenly, I got curious. Kahit alam ko na naman ay gusto ko paring makita kung ano si Chaos before we met. Yung highschool palang siya, pinaplano palang ang PDN, at yung masaya pa kasama si Lucy. Considered tanga na ako kasi curious na curious talaga ako sa past relationship niya kahit na kakaamin ko palang sa sarili ko na mahal ko si Chaos.
Kaya ayun nga, naupo ako sa leather chair niya at binuklat ang yearbook ni Chaos. Graduate siya ng Knights University. I can tell na may connections siya with the heads of the school kasi nakikita kong may isang Castillo sa admins ng school.
Una kong nakita agad ang picture ni Chaos, kahit sa class picture ay kitang-kita mo talaga ang pagiging intimidating niya. His lips are curved in a lazy grin and his eyes are looking so intense. Naka-gel din yung buhok niya kaya mas nagmukha siya si Cas kung hindi lang nakalagay ang pangalan niya sa ibaba.
Cassander Nathaniel B. Castillo
ValedictorianNakakaproud talaga siya, ang galing niya kasi ang alam ko sa Knights maraming matatalino but he graduated as batch's valeditorian. Habang ako naman nung highschool ay sobrang magulo. Parating napapatawag sa guidance office o kaya ay nagc-cut. Half ata ng Grade 12 life ko ay hindi ako pumasok at nakatambay lang sa dance studio.
BINABASA MO ANG
Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)
RomanceCastillo Series: III - Serenity's Curse to Chaos "We started as a mistake but that doesn't mean that we'll end up as a mistake."