Curse 28 - Back

2.7K 98 31
                                    

Nakokonsensya ako sa ginagawa kong pag-iwas kay Chaos. It is so wrong to think about myself, hindi ko man lang inisip na sa ginagawa kong pag-iwas sakanya pra makalimutan yung ginawa namin ay naaapektuhan din siya. We are friends, we are very good friends and I chose to become selfish.

It took me a while to realize that ignoring him won't change a thing. Nangyari na ang dapat mangyari. And so I decided to meet him today for breakfast to say sorry, I feel so terrible. For once in my life, I wanna do something right. And I know that talking with Chaos and sorting things out will be the best thing for the both of us.

I can't afford to lose a very good friendship just because I was being selfish.


I already texted him to meet me at a restaurant near Pandemonium, dun namin balak mag-usap. Bago pa man ako matapos magbihis ay bigla nalang sumugod si Amber sa kwarto ko, may dala-dala siyang isang mug, in which I think is kape ang laman dahil naamoy ko iyon mula dito sa vanity mirror ko.

"Ren..." she called me. Akala niya siguro ay tulog pa ako dahil ang mata niya ay nakatuon sa bed ko, she looked shocked upon seeing me getting ready.

Lately I've been a mess, and she was able to witness all of it kaya siguro naninibago siya na hindi na ako nakatulala o umiiyak o di kaya ay natutulog buong araw. "Aalis ka?" she asked, obviously shocked.

I gave her a small smile. "Yes. I'm meeting Chaos for breakfast." I said while looking at her, trying to see her reaction. At tama nga ako, nanlaki ang mata ni Amber mabuti nalang ay hindi niya nabibitawan ang dala-dalang mug.

"S-Seryoso ka?"

I nodded.

Alam ni Amber ang nangyari samin ni Chaos, sa ilang araw ko pa ba naman na pinag-alala siya ay malamang nagmamakaawa siya para sabihin sakanya kung ano ba talagang problema ko. Siyempre nilalamon na ako ng konsensya ko kasi araw-araw siyang nag-aalala sakin kahit na wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari sakin kaya sinabi ko na sakanya.

Nung una ay hindi rin siya makapaniwala, pero naiintindihan naman niya kami because we are both under the influence of alcohol, pero hindi din naman niya sinabing tama yun dahil alam naming pareho na mali yun. First, maling-mali na ibigay ang virginity bago ang kasal; Second, Chaos has a girlfriend while I just broke up with Skye; lastly, it is just so wrong in all means.

"Hindi ba magiging awkward yun?" tanong niya sakin habang inaayos ko ang buhok ko.

Napatingin naman ako sa sarili ko sa salamin. Huminga ako ng malalim at pinikit ang mata ko para pakalmahin ang lakas na pintig ng puso ko.

Awkward? Yes, surely it'll be. But it is all because I made it awkward for the both of us, kung hindi lang sana ako umiwas noon malamang wala namang problema para saming dalawa. Kung sana hindi nagbago ang turing ko sakanya ay hindi kami magmi-meet ngayon para magusap.

I created this one, and so I have to deal with it. Whatever happens next... I just wish it's for the best.

"I hope not."




Pinapark ko palang ang kotse ay alam ko nang nauna si Chaos kesa sakin dahil nakita ko kaagad ang kotse niya. Sobra-sobra ang kaba na gumagapang sa dibdib ko habang unti-unti akong naglalakad papasok sa restaurant.

The smell of breakfast immediately greeted me when I entered the establishment making my stomach growl. Di ko man lang namamalayan na ginugutom na pala ako. A staff greeted me and ushered me to the table where Chaos is seating, hindi ko alam kung paano niya nalaman na si Chaos ang hinahanap ko pero hindi ko nalang yun pinansin at sinundan nalang din siya.

Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon