Tahimik lang ang naging biyahe namin pauwi sa condo. I left my car sa main branch ng Sweet Mist, 24 hours naman 'yong bukas and binilin yun ni Tita Aleena sa guard before we went to the restaurant.
Hindi ako mapakali habang nakaupo sa shotgun seat ng Audi ni Chaos. I can feel his anger from my seat, kulang nalang ay makita ko ang itim niyang aura just to confirm how he is so angry right now. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela, his jaw is tightly clenched, and his eyes are staring intensely at the road. Pag bumibusina siya ay may halong hampas at mahinang mura. I never seen him so angry.
Hindi ko naman sinasadyang galitin siya. All I want is to give the both of us time for ourselves before finally committing into something so serious. Hindi biro ang kasal, hindi ito isang laro that you can just reset if you want to.
Looking at Chaos' dreams back then makes me feel nervous about marrying him. And it's not because I don't want him but I'm afraid that he'll regret his decisions. Baka one day in the near future ay pagsisihan niyang hindi niya pinagpatuloy yung mga pangarap niya. Oo sabihin na natin that the both of us can go to school even if we're both married pero magiging iba na ang sitwasyon. What if mag-away kami? What if bigla nalang magbago ang ihip ng hangin and we both decide to stop caring for each other? What if he decides that he loves Lucy more than me? Mas magiging madali ang lahat pag hindi kami kasal. Mas magiging mabilis ang pagputol ng connection in between us.
Dati ang gusto ko ay bigyan ng buong pamilya ang anak ko. I want my child to experience it. But then I realized that in life, it will not always be fair. Some have complete families, some have broken ones, some even have complicated ones just like what I have. You cannot return what life gives you, so I don't wanna live in an illusion knowing that there's this thing called reality. Because to tell you frankly; the moment we take in reality, everything changes. Our decisions, our actions, our thinking. Everything.
And so I think na mas mabuti nang maging handa kesa pagsisihan pa namin sa huli.
Tahimik parin kami pareho hanggang sa nakapark na kami sa parking lot ng ground floor ng condo. Sabay na kaming bumaba. Nauna siyang maglakad habang ako naman ay pinipilit na sundan ang malalaki niyang mga hakbang. Akala ko pa nga ay mas magiging intense yung atmosphere naming dalawa pagpasok sa elevator pero nakahinga ako ng maluwag nang malaman na may makakasabay kami.
Five people went in along with the both of us kaya hindi ko masyadong nararamdaman ang galit ni Chaos. I was distracted by their laughs and conversations na hindi ko napansin na hinahawakan na pala ng Chaos ang bewang ko at hinapit papalapit sakanya. Saka ko lang napansin na may iilan pang tao ang sasakay kasabay namin nang umabot kami sa 1st floor.
May club kasi sa may 7th floor kaya malamang ay dun ang punta ng mga taong ito. Mas lalo pa akong niyakap patalikod ni Chaos nang pumasok ang mga ito. Ramdam ko ang mabilis niyang paghinga, nilingon ko siya only to find out that he's already staring at me. I gave him a small smile but he just blinked and looked away.
Medyo nalungkot ako dahil dun. Galit nga si Chaos. Sobra ko siyang ginalit that's why he is acting so cold towards me. Hindi nalang ako lumingon sakanya o nagsalita. Natatakot ako sa kung ano pang kaya niyang gawin na hindi pagpansin sakin.
Nang nakarating kami sa floor namin ay mabilis na binitawan ni Chaos ang bewang ko. His hand traveled to my left hand, gently squeezing it. Nauna siyang maglakad palabas habang ako naman ay nakasunod lang sakanya.
Bumuntong hininga ako nang makapasok kami sa condo. Agad akong dumiretso sa kwarto habang siya naman ay sa kusina, baka ay iinom muna ng tubig. Gusto kong magpaliwanag pero masyado akong natatakot sa kung anong sasabihin niya. Masyadong intimidating ang isang Sander Castillo pag ito ay galit, tumitriple ang pagiging intimidating niya.
BINABASA MO ANG
Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)
RomanceCastillo Series: III - Serenity's Curse to Chaos "We started as a mistake but that doesn't mean that we'll end up as a mistake."