Curse 38 - Return

3.9K 116 71
                                        

Belated Merry Christmas loves! ❤🎅
Sorry kung walang update for a few days. Kailangan kong mag-break sa pagsusulat to spend more time with my family. And mukhang sumobra naman siya dahil sinisipon na ako, araw-araw ba naman sa dagat. Hahahahaha.

Kayo? How's your Christmas?


Nakaupo lang ako sa kitchen counter ng kusina ko, my knees are folded in front of me habang yakap-yakap ko ang mga iyon. I looked at Chaos' bare back in front of me. I stared at how his lean muscles contract and relax while cooking our lunch.

We never opened up the topic about the phone call that I answered earlier. Hindi ko alam kung anong iniisip niya at mas lalonh hindi ko naiintindihan ang nararamdamam kong konsensya. Paulit-ulit nalang at hindi ako pinapatahimik.

Minsan iniisip ko nalang... am I making the right decisions or am I just worsening things? Kasi habang patagal nang patagal akong naninindigan sa napili kong desisyon, parami nang parami yung nasasaktan eh.

"Lunch is ready." Nagising nalang ako mula sa pag-iisip nang marinig ang boses ni Chaos. Nasa may tapat ng mesa siya at mukhang nag-aayos na ng hapagkainan.

Akmang bababa na ako sa counter para lapitan siya nang bigla naman siyang lumapit sakin at hinawakan ang magkabilang gilid ko, his hands are firmly holding my waist.

Bago paman ako makapagsalita ay tuluyan na niyang binalot sa bewang ko ang mga braso niya at kinarga ako pababa ng counter.

"What's for lunch?" I asked in a very cool manner, as if yung ginawa niya kanina ay hindi nagpakaba sakin. Nginitian niya ako bago pinasadahan ng mga daliri ang buhok niya. "Chicken adobo." He answered.

I just raised my eyebrows at mukhang naiintindihan niya ang gusto kong ipahiwatig, he gave me a smirk. "What?"

"Go on, Serenity. Tell me how impressed you are right now."

I just huffed at saka umiling kahit na madalas ay napapabilib niya ako sa dami ng kaya niyang gawin ay hinding-hindi niya ako mapapaamin.

"You are conceited."

"And you are in-denial." Natatawa niyang saad bago sinimulang paglagyan ng kanin at ulam ang pinggan ko.

Ako na ang nag-volunteer na maghugas ng pinagkainan namin after naming kumain. Nakakahiya naman na apartment ko to pero si Chaos ang gumagawa ng lahat ng trabaho.

Nakaupo nalang siya sa carpet sa tapat ng TV ko at nanonood ng isang random chick flick. Dahil nga temporary lang tong paninirahan ko dito ay hindi na ako nag-abala pang magpakabit ng cable. That's why yung mga DVDs at mga nakasave sa flashdrive ko ang paulit-ulit kong pinapanood.

"Why are they keep on making these shits? The plots are so predictable!" Reklamo ni Chaos, nilingon ko nalang siya habang kunot-noo siyang nagra-rant sa pinapanood.

I really wonder... kung kasal na ba kami ay ganito din ang magiging set up namin? Siya ang nagluluto, ako ang naghuhugas? Siya ang magpapalit ng diaper ng anak namin habang ako ang magpapatulog? Magiging masaya ba kami? Magiging kuntento ba kami sa sitwasyon namin o pagsisisihan namin ang lahat ng iyon?

Hindi matapos-tapos ang mga katanungan ko. My questions are countless yet I can't even find a single answer for any of it.

Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon