Curse 41 - Meet

3.5K 127 35
                                    

"Are you seriously gonna wear that?" Kunot noong tanong ni lolo Chaos sakin.

I groaned and gave him a nod. "Are you seriously gonna ask me that question?"

I was supposed to walk pass him and exit our hotel room when he held my arm, pinipigilan niya akong umalis. "Anoooo?" Nilingon ko siya.

His eyes scanned me, more like what I'm wearing. I can't find anything wrong with it! Suot-suot ko ngayon ang isang white sleeveless top, shorts, tsaka cardigan. Hindi naman din kasi nahahalata yung baby bump ko dito. Ewan ko lang kung anong kaartehan ang inaarte nitong lalaking 'to.

He looks so frustrated. Hinilot niya ang sentido niya at tinanguan ako. "Fine." He said.

Isang ngiting tagumpay ang ginawad ko sakanya bago kinuha ang bag ko at naunang lumabas ng kwarto. Bumuntong hininga lang siya habang sinusundan ako.

Today we're actually going to spend our whole day to wander around New York. Chaos suggested to go to parks or landmarks. Pero hindi naman ako matutuwa dun that's why I suggested na sa Times Square lang kami mag-ikot at mag-shopping.

Mukhang asong sugatan si Chaos nung sinabi ko yun pero pumayag na rin siya.

***

Kilig na kilig ako habang naglalakad kami ni Chaos kasabay ng maraming mga tao dito sa Times Square. This has always been my dream ever since. Bawat shops na dinaraanan namin ni Chaos parang tinatawag ako, more like my cash and credit card.

Kung hindi lang hawak-hawak ni Chaos ang kamay ko, malamang para na akong batang nagtatatalon at nagtatatakbo dito.

"Oh my god. Look at that dress, Chaos!" Sigaw ko sabay turo sa isang champagne-colored dress sa window ng nadaanan naming shop.

Tiningnan ko si Chaos, he's looking at me then back at the dress. Palipat-lipat yung tingin niya bago nanatili sakin. "Wanna check it out?"

Believe me at that moment ay talagang nagliwanag ang mga mata ko and they formed into the shape of a heart.

"Tara na!" I literally squealed habang hinihila si Chaos papasok dun.

Ngiting-ngiti lang ako habang pumipili ng mga damit. Growing up without experiencing the love of my dad and older sister, I get to experience their wealth very well. Hindi naman nila yun pinagkakait sakin, but Rev made it clear that the company is off limits. Pwede kong gawin ang kahit anong gusto kong gawin pero wag na wag ko lang papakialaman ang trabaho ni Rev sa kumpanya at sa firm ni dad.

Hindi naman yun problema sakin. My god! I love to shop! Feeling ko yung choices ko nalang in between what to buy and what not to buy ang tanging tama na ginagawa ko sa buhay ko.

"I'd like to try all of these." Tiningnan ko yung attendant na may dala-dalang dalawang basket ng mga pinili kong damit.

She just nodded. "This way ma'am." She smiled at me.

Sinundan din kami ni Chaos. He's busy scanning the pictures in his camera. Kanina kasi kuha siya ng kuha ng picture.

Bago ako pumasok sa fitting room ay inabot ko kay Chaos ang hand bag ko. He just looked at me. "Ilang minutes?" He looked at me with an amused grin.

Tinaasan ko siya ng kilay. Malamang ay tinatanong nito kung gano ako katagal na magsusukat ng damit.

"Just wait, okay?" I rolled my eyes at him. Pumasok na ako sa loob at nagsimula nang magsukat.

Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon