Curse 11 - Promise

2.7K 78 22
                                    

Before I start writing this chapter I wanna promote this awesome Wattpad account KathNielReads. I love their advocacy in promoting KathNiel stories both famous and undiscovered! Check out their account to find some great reads inspired by our King and Queen! And I'm also planning to include my stories in their tags because why not? Hahaha. 💙

Special mention to TheLighthouse! Alpha Jebediah is literally THE BOMB! I love it! ❤😻



Nagising nalang ako sa maingay kong alarm. Shit this is the day! Ngayong araw na 'to ang pinakasinusumpa ko! Why? Well let me enumerate.

First, magiging mascot ako. A fucking mascot in the middle of the scorching sun!

Second, today's the competition for our dance troupe and hindi ako kasali kasi ki-nick out ako ng sarili kong members.

And lastly, badtrip lang akong nagising dahil kulang ako ng tulog. Ilang oras lang ba yun? Tatlo?!

Mukha akong tanga na nakabusangot sa kisame ko nang marinig ko ang isang mahinang hilik mula sa gilid ko. "What the..." I murmured.

Sinilip ko ang natatabunan ng kumot ko and there I saw my phone, still video chatting a now sleeping Chaos. Nakatutok ang camera from his side, medyo hindi kita ang mukha niya dahil nakasubsob ito sa unan niya but his closed eyes are showing kahit na natatabunan ito ng kanyang buhok. His faint snores filled my room.

"Tamad din 'tong isang 'to mag-end ng call eh." I bit my lip saka in-end ang call.

Tinitigan ko ng matagal ang screen ng cellphone ko, now it is showing my picture with Skye. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung ba't nagsisisi ako sa ginawa kong pag end call. What the heck, Serenity!

"Ugh puyat lang 'to." Sinampal-sampal ko ang mukha ko bago hinagis ang phone ko sa makalat kong kama at agad nang dumiretso sa bathroom.





"Is everything set already?"

Nakaupo ako sa pavement sa harap ng booth namin na punong-puno ng white at pastel blue colors habang nakasimangot.

Kanina pa kami naghahanda para sa opening na magsisimula na within 10 minutes at kanina pa aligaga si Pres.

"Yang mukha mo Ren." Inirapan ko si Amber na sinasaway ako.

"Don't start, Amber. Please."

Bumuntong hininga ako. Kanina pa ako nagtitimpi na hindi magwala. Paano ba naman kasi yung magaling na si Sierra Jones ay hindi sumipot, tinakasan kami kaya't ako lang mag-isa ang magm-mascot today. Bullshit! That means I'll also take her rounds this afternoon.

"Kumalma ka nga." Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila ako palayo sa booth namin. "Baka makasira ka dun."

I threw another glare at my bestfriend bago pinusod ang buhok ko. Suot ko na yung body ng pastel blue jaguar mascot ng Zeta Theta Nu. Ramdam na ramdam ko na yung init at feeling ko ay mahihimatay ako once na masuot ko yung headpiece.

"Behave ka Ren ha? Baka awayin mo lahat ng lalapit sayo." Pagbibilin ni Amber sakin.

Napangiwi nalang ako, the thought of a huge number of annoying people that I'm going to interact with makes me cringe from the inside.

Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon