Curse 48 - Queen

4.1K 133 5
                                    

Punong-puno ang pool area ng Castillo residence ng mga bisita. A few of our close friends and relatives came to celebrate Psyche's baptism. Kakarating lang namin from church at agad nang nagsimula ang party.

Tulog pa si Psyche sa taas, nasa kwarto siya ni Chaos ngayon habang binabantayan ni Cas. He volunteered kasi masakit daw ang ulo niya and ayaw niya munang makihalubilo. (But I bet that's not the main reason why he's not feeling well. I accidentally heard him and Chaos talked earlier about Electra, siguro nasasaktan parin si Cas from his break up)

So habang nasa taas ang mag-tito ay kami muna ni Chaos ang nag-aasikaso sa mga bisita, though hindi na kami masyadong nag-eeffort because Tita Aleena is a better host than the both of us. Siya yung lumalapit talaga sa table at kinukumusta ang mga bisita kaya ang ginagawa nalang namin ni Chaos ay kumustahin ulit sila. Hahahaha.

"Are you hungry?" I felt his hand held the small of my back.

Tiningnan ko siya. "Medyo." Tiningnan ko yung oras sa wristwatch ko at nakitang past 1:00 PM na pala. "Late na pala."

He chuckled. "Mauna ka nang kumain para ako muna ang magbabantay kay Psyche. Baka nagugutom na din si Cas dun. I'll eat after you para salitan tayo." He said.

I smiled at him. Kahit na one month na si Psyche at ilang beses na niyang nat-test ang patience namin as parents ay parati parin akong nagugulat sa very wise parenting style ni Chaos.

I assume that he got it from his parents, the fact that he's from a very good family ay hindi ka na talaga magtataka kung bakit ganito siya ka-wise as a dad. May parents siyang nilo-look up to as a guide now that he's also a father already.

"Okay. I'll text you after kong kumain para maka-lunch ka na rin." I gave him a smile.

"Wag kang magmadali sa pagkain, di pa naman ako masyadong gutom." He chuckled. Natawa nalang din ako saka siya tinanguan.



Agad akong pumunta sa table nina Amber para dun na kumain. Tumabi ako sakanya na ngayon ay nagsosolo dahil hindi nakarating si Leon. "Nasan ba yung ibang friends ni Sander?" Reklamo niya. "Nahihiya na ako dito kasi wala akong kakilala."

Sumubo ako bago siya sinagot. "I don't know. Busy sina Dax at Zeke sa PDN kaya mamayang gabi pa daw sila hahabol." I chuckled. "Di ko nga lang alam kung nasan sina Terrence. I asked Sander but he just told me na hindi makakapunta."

Ewan ko ba kung nasan na sina Cole, Debby, tsaka si Terrence. Namimiss ko na din sila, lalo na si Debby. Hindi ko na kasi talaga sila nakikita since nag-college sila.

"Meron namang isa kanina yung katabi ko na babae pero medyo mahiyain naman tas bigla ding umalis." patuloy niya pa.

Natawa nalang ako sa pagiging reklamador niya. "Ah si Cassy ata yun, yung kaibigan ni Cas. Umuwi na kasi may lakad daw after."

She sighed then rolled her eyes. "Okay fine. Makikipag-interact nalang ako sa mga yayamaning business partners ng parents niyo." Biro niya.

Hinampas ko siya sa balikat. "Gaga."

Patuloy lang ako sa pagkain habang si Amber naman ay binabantayan ang bawat kilos ng mga pinsan ni Chaos na andito. Ang gaganda daw pero mukhang mga suplada tas may mga mukhang mahiyain daw at kung anu-ano pa.

Nang matapos na akong kumain ay agad ko nang tinext si Chaos para siya na naman ang bumaba at ako na naman ang magbabantay kay Psyche. Tumayo na ako at hinawakan ang braso ni Amber.

"Want to come with me? Dun tayo kay Psyche."

Agad na nagliwanag ang mukha ng baliw. "Finally! Yes please. Baka maging bato na ako dito sa sobrang bored." Agad siyang kumapit sa braso ko at sabay kaming naglakad papasok ng bahay.

Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon