Curse 25 - Prove

3.9K 97 23
                                        

I don't know what exactly happened but suddenly the video was already gone. Kahit ang school forums namin ay bigla nalang nawala. Maaaring mang marami na ang nakapanood ng video na 'yun at may ilang naka-download narin kung talagang gusto talaga nila akong pagtawanan, atleast ay wala na yun sa site at maaaring pagsawaan na nila ang lecheng issue na 'yun.

Hindi ko alam kung paano o sino ang nagtanggal ng site na yun but nagpapasalamat ako sakanya, he saved my sanity.

"Pinapatanong ni Chaos kung may kailangan ka ba?"

Tiningnan ko si Daxton na kakapasok lang dito sa office, tulad ko ay nakasuot na rin siya ng pambahay. "Wala. Salamat." Mas lalo ko pang binalot ang sarili ko ng kumot.

Nakahiga ako ngayon sa isang folding bed na dinala ni Zeke kahapon, medyo masama kasi ang pakiramdam ko dahil siguro sa pagod at stress. Ayaw ko namang bumalik sa Zeta kasi baka makahanap na naman ako ng away, ayoko ring makitulog sa bahay nina dad dahil malamang ay magagalit lang sina Rev at Annelize, pinipilit naman ni Chaos na sa condo nalang niya ako matulog pero ayoko rin namang makaabala dahil medyo busy sila ngayon dito sa PDN. Kaya eto ako ngayon, nakikitira sa opisina ng PDN habang yung tatlo naman ay nasa lounge room nila nagtratrabaho. Para masamahan ako ay napagusapan na din nila na dito magpalipas ng gabi.

"Sigurado ka ha?" Hindi parin nawawala ang ngisi sa mga labi ni Dax, at gustong-gusto kong burahin yun.

I rolled my eyes at him. "Oo nga. Bumalik ka na dun." pagtataboy ko.

Tumango lang naman siya, natatawa parin. "Tawagan mo lang kami pag may kailangan ka, pag ikaw namatay diyan pati kami papatayin din ni Chaos."

Sa lakas ng tawa niya ay hinagisan ko siya ng unan. "Lumayas ka na nga!"

After Dax left, humiga ulit ako sa folding bed. Pinilit kong makatulog ulit pero hindi ko magawa, mukhang sobra na ata yung tulog ko kanina.

I stared at the ceiling above me. "Do I deserve any of this?" I whispered.

Ano bang nagawa kong mali para sakin isisi ang pagkamatay ni mommy? Isa ba akong kahihiyan, dahilan para hindi akong magawang ipagmalaki ng pamilya ko? Do I not deserve any kind of love para gawin ni Skye ang panloloko niya sakin? Do I not deserve any kind of respect to give Sierra the guts to humiliate me publicly?

Alam ko namang I'm not the best person in the world, but am I that worst to experience all of this? Because seriously, as a human being, I think not...

All of us deserves a chance to live and feel loved and accepted.

After a while ay may pumasok na naman sa opisina, I heard the sound of the door opening. Nilingon ko ang bandang iyon at nakita silang tatlo na naglalakad papasok dito, Zeke is holding two plastic bags filled with takeouts from a fastfood chain.

"How's our baby Ren?" ang lapad-lapad ng ngiti ni Zeke habang inaasar ako.

I just rolled my eyes at them at nagtalukbong ng kumot, for all I know ay aasarin na naman nila ako. Actually kahapon pa talaga yan, kahit na ang hina-hina ko na dahil sa lagnat ko ay nagawa parin nina Zeke at Dax na pagtripan ako habang pinapainom ng gamot. 

True friends.

"Are you hungry already?" I can recognize that it is Chaos talking.

"Not really." 

Wala nang nagsalita pagkatapos nun, all I can hear is the furniture being dragged along the floor and some of the utensils clattering. Dahil na-curious ako sa pinaggagawa ng tatlong iyon ay bahagya ko silang sinilip at nakitang nilalapit nila ang coffee table at couch sa folding bed ko.

Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon