Curse 53 - Like Before

3.5K 122 15
                                        

After a weekend well-spent, Chaos and I went home happily. Pareho kaming kuntento sa mga nangyari at pareho kaming masaya sa kaunting panahon na magkasama na kaming dalawa lang.

Before that vacation, I already know that it'll be worth remembering.

But just like the saying goes, what goes up must come down. Hindi porke't ang saya-saya na namin nun ay mananatili na kaming ganun. We all have to experience feeling down, and I guess that this point in my life is a very good example.

"Anong oras ka uuwi?" I looked at my phone's screen for a while before concentrating again on putting my make up on. "Ten." Chaos sighed.

He's at school right now. Maaga siyang umalis, well parati naman. Habang ako ay naghahanda palang sa pagpasok sa work. Hindi na nga kami nagkakaabutan eh, nagigising nalang ako na may breakfast nang nakahain sa mesa. "How about you?"

"Five." I sadly replied.

Alam ko kasi na kahit na maaga akong nakakauwi ay hindi na ako aabot ng alas-diyes ng gabi dahil sa pagod sa paghehele at pagaasikaso kay Psyche. Para din walang makakaistorbo sa tulog niya ay maaga kaming natutulog. Minsan kasi si Psyche nag-iinarte pag alam niyang wala pa akong balak matulog.

Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata ni Chaos. Alam kong ayaw na niya sa sitwasyon, kahit ako din naman. Minsan nagsisisi tuloy ako kung bakit pinilit ko siyang mag-enroll muna for college, I know it was for his own sake but now, all I wish is for him to be with me. I know ang selfish lang.

"Busy parin ba sa PDN?" I asked him.

He just nodded before taking a sip of his drink. "As always."

After kasi nung problema sa gaming corp ay mas lalo nilang tinuon ang pansin sa arcade habang nagrerecover pa ang kumpanya. Chaos is now hands on with the company and arcade because the other guys are busy expanding it. Si Dax ay laging nasa Cebu for Pandemonium - Cebu, and Zeke is busy with Pandemonium - LA.

Hindi ko alam kung mapproud ba ako sa success nila o maaawa kasi kinakain na nun ang oras nila.

"I miss you." Hindi ko mapigilang mabahiran ng lungkot ang boses ko. He looked at me with eyes filled with worry, he gave me a small smile to encourage me. "I miss you too baby. After ng expansion, back to normal na tayo." He assured me.

I just nodded.

Ayoko yung isipin niya na masyado akong clingy, ayokong ipakita na nalulungkot ako kasi alam ko naman na yung ginagawa ni Chaos ang nagpapasaya sakanya. Gaming will always be his passion, and as his girl, I should be happy for him and always give him my full support.

"Take care, okay?" I smiled while applying some mascara. "Don't forget to eat meals. Wag kang magpapagutom."

"Hmm." I can tell that he's nodding from my peripheral vision. "You too babe." He said.

Habang busy ako sa pag-aayos sa sarili ko ay hinarap ko muna yung screen ng phone ko sa crib kung nasa nakaupo si Psyche.

Kinakausap siya ni Chaos habang ang maliit namang ito ay wagas tumili. She's even raising her hands, sometimes waving it. "Ah! Di! Di!" She calls her daddy.

"Hmmm? Miss mo na ako, anak?"

I just smiled at their conversation.

Grabe. I really miss spending time with my love and our daughter. Ilang araw pa ba ang kailangan kong hintayin?



***

"Its already settled ma'am." I stood up to shake hands with my client, Ms. Chiong. She's organizing a class reunion at our branch next week, Sunday. Kakatapos lang namin mag-discuss ng details. "Sunday, next week. 2:00-4:00 PM." I confirmed.

Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon